top of page
Search
BULGAR

Matapos magka-COVID-19... Pharmally Director Ong, tinuluyan ng Senado

ni Lolet Abania | September 21, 2021



Inaresto na si Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong ng Senado dahil sa umano’y “evasive” na mga tugon nito, habang bigong makapagsumite ng mga subpoenaed financial documents sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa kanya umanong maanomalyang supply deal sa gobyerno ngayong Martes nang hapon.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga opisyal ng Senate Office of Sergeant-at-Arms (OSAA) si Ong na ide-detain sa Senate building sa Pasay City.


“Mr. Chairman, Mr. Linconn Ong is with the OSAA already… He is already on the way here to the Senate,” ani Senate President Vicente Sotto III sa nagaganap na Blue Ribbon Committee hearing hinggil sa umano’y overpriced COVID-19 goods.


Unang ibinunyag ni Ong na inabisuhan na siya ng OSAA na ihanda na ang kanyang mga gamit dahil siya ay nakatakdang idetine sa Senate building. “Mr. Chairman… nagpa-pack up po ako ng gamit ide-detain na po ako ng Senado,” sabi ni Ong.


Sa unang bahagi ng pagdinig, binanggit ni Sotto na nananatili pa rin ang arrest warrant laban kay Ong at iba pang Pharmally officials. Matatandaang unang sinabi ni Sotto na inihain na ang arrest warrant laban Ong.


Gayunman, ayon kay Sotto nanatili si Ong sa kanyang bahay dahil sa nagpositibo ito sa test sa COVID-19.


Sa mga nagdaang pagdinig, binabaan sina Ong at ang dating presidential economic adviser na si Michael Yang ng cited in contempt dahil sa kanilang mga “evasive” responses o “pag-iwas” na sagot sa mga kuwestiyon ng mga senadors. Agad na kumilos ang panel para sila ay ipaaresto.


Isinulong ang imbestigasyon matapos makita ng Commission on Audit (COA) ang paglipat ng Department of Health (DOH) ng P42 billion funds sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagbili ng face masks at face shields sa gitna ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.


Ang Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang maliit na nagsisimulang kumpanya, ay nakapag-secure ng mahigit sa P8 bilyon halaga ng government contracts para sa naturang procurement ng mga personal protective equipment (PPEs) na pinaniniwalaang overpriced.


0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page