ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Oct. 6, 2024
Dear Maestro,
May boyfriend ako dati, pero nauwi rin sa hiwalayan ang aming relasyon. Itatanong ko lang sana kung may chance pa kaya kaming magkabalikan? Nalaman niya kasing nagdadalantao ako, at ‘yun ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Sa ngayon, nandito pa ako sa bahay ng bestfriend ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang aking pagdadalantao. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na sana isang araw ay matauhan ang boyfriend ko, at agad akong balikan. Dalawang buwan na rin kaming hindi nag-uusap. Maestro, babalikan pa kaya niya ako? Ang birthday ko ay October 4, 1999, habang January 28, 2000 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,Aya ng Santa Inez, Tanay, Rizal
Dear Aya,
Tama ang pakiramdam mo, dahil sadyang compatible ang zodiac sign mong Libra sa zodiac sign niyang Aquarius, dahil ang Aquarius at Libra ay nagtataglay ng iisang elemento – ang air o hangin.
Gayundin ang kinalabasan ng pagsusuri sa Numerology. Kung saan, ang birth date mong 4, at 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1) naman ng boyfriend mo ay nagsasabing kapwa kayo pinaghaharian ng planetang Uranus at Sun.
Ibig sabihin, hindi lang sa Astrology kundi pati na rin sa Numerology ay tugma rin kayong magsama. Kaya naman, sa malapit na hinaharap, sa taong 2025, – tiyak ang magaganap pagsapit na pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Oktubre, parang isang himala ang mangyayari, habang papalapit nang papalapit ang Kapaskuhan, – muling babalik sa iyo ang boyfriend mo upang panagutan ang pagbubuntis mo hanggang sa tuluy-tuloy na kayong magpakasal, at magsama sa pagbuo ng isang maligaya, at panghabambuhay na pamilya.
Comments