top of page
Search
BULGAR

Matapos ang pananalasa ni ‘Agaton’... Pakikiramay ng SoKor sa ‘Pinas, pinasalamatan ng Palasyo

ni Zel Fernandez | April 29, 2022



Malugod na ipinaabot ng Palasyo ang taos-pusong pasasalamat sa pamahalaan ng South Korea at mga mamamayan nito sa kanilang pakikiramay sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton sa bansa.


Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, sa pamamagitan ng isang solidarity statement ay ipinarating ni South Korean President Moon Jae-in ang pakikidalamhati ng kanilang bansa sa mga sinalanta ng bagyo sa Pilipinas, kamakailan.


Nakasaad sa liham ng South Korean leader na sa ngalan ng mga mamamayan ng South Korea ay kanilang ipinaaabot ang kanilang pakikiramay para sa lahat ng mga naulilang pamilya kasunod ng nagdaang kalamidad.


Salaysay pa sa liham, ramdam din umano ni SoKor Pres. Moon sa kanyang puso ang nararanasan ng mga pamilyang nawalan ng tahanan, kalakip ang pagpapahayag ng pag-asa para sa mga survivors na sana ay mabilis silang makabangon at makabalik sa dating pamumuhay.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page