ni Zel Fernandez | May 1, 2022
Isinailalim sa state of calamity ang pamahalaang bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte bunsod ng matinding pinsala sanhi ng matinding buhos ng ulan nitong nagdaang linggo.
Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council, ang idineklarang state of calamity sa probinsiya ay kasunod ng ipinasang resolusyon ng Sangguniang Bayan, ayon kay Municipal Information Officer Mart Sambalud.
Kaugnay ito ng layuning magamit ang quick response fund (QRF) para disaster relief at rehabilitation efforts.
Batay sa kanilang datos, umabot umano sa P15.9 milyon ang pinsala sa agricultural crops at livestock, kasama na rin ang P1.65 milyon halaga ng nasalantang mga ektarya ng lupain.
Samantala, tinatayang aabot naman umano sa P3.065 million ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura at kalsada at aabutin sa P25.9 milyon ang halaga ng magiging rehabilitasyon nito.
Comments