ni Zel Fernandez | April 25, 2022
Nakatakdang pagkalooban ng pamahalaan ng mga karagdagang permanent shelters ang mga taga-Marawi na wala pa ring disenteng tahanan hanggang sa kasalukuyan.
Sa pagpapatuloy ng isinasagawang rehabilitation efforts ng gobyerno sa Marawi City, ipinahayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) na nakatakda nitong ipamahagi ang mga karagdagang housing units sa mga pamilyang nawalan ng tirahan noong sumiklab ang giyera sa lungsod taong 2017.
Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman at DSHUD Secretary Eduardo Del Rosario, tinatayang aabot sa 400 housing units ang ipamimigay ng ahensiya sa mga Marawi internally displaced persons (IDPs).
Kaugnay nito, nananatiling positibo ang kalihim na makababangong muli ang ekonomiya sa lungsod kasunod ng pagtatapos ng mga proyektong imprastruktura, habang inaasahan na mas marami pang IDPs ang makababalik na sa pinakaapektadong lugar sa mga susunod na buwan.
Samantala, ang mga housing units ay nakatakda namang ipagkaloob sa darating na Mayo, kasabay ng pagdiriwang ng Week of Peace.
Comments