ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 22, 2024
Nalungkot ang mga fans nina Liza Soberano at Enrique Gil sa nalamang kasama ng aktres ang nali-link sa kanyang si Jeffrey Oh sa Singapore nang maging speaker siya sa Asia Summit 2024. Ibig daw ba nitong sabihin, wala na talaga sina Liza at Enrique?
Gusto tuloy maniwala ng mga fans na totoo ang tsika na matagal nang break sina Liza at Enrique at mas nauna pa nga raw nag-break kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Tahimik lang daw ang paghihiwalay ng LizQuen, kumpara sa breakup ng KathNiel na hindi lang maingay, controversial pa at hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin.
Anyway, hindi rin siguro alam nina Liza at Jeffrey na makikita ang huli na nasa likod ng aktres habang ini-interview ito ng kapwa niya speaker sa Asia Summit 2024 na si Raline Shah. Nakunan ng camera si Jeffrey na obviously, hinihintay si Liza na matapos ang interbyu.
Tanggap na ng ibang mga fans ni Liza na wala na sila ni Enrique at matatanggap na rin daw nila kung si Jeffrey na talaga ang special someone ng aktres dahil desisyon niya ito.
Pero, may mga ayaw pa ring sumuko at may mga payo sila kay Liza tungkol kay Jeffrey at tungkol sa career niya. As if namang pakikinggan sila ni Liza Soberano.
Sa pagrampa sa Milan Fashion Week, Pia…
HEART, TODO-FLEX NA KASAMA ANG INDONESIAN SUPERSTAR
PINURI si Heart Evangelista dahil sa iba niyang reels post sa Milan Fashion Week (MFW), OPM song ang ginamit niyang background, at marami ang bumisita sa Instagram ni Heart kaya maririnig nila ang background music na maipo-promote rin.
Maririnig ang mga songs na Huwag Na Huwag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal, ang Gento ng SB19, Magasin ng Eraserheads, ang Makita Kang Muli ng Sugarfree at ang Tala ni Sarah Geronimo.
Sana raw, ipagpatuloy ni Heart ang paggamit sa OPM songs, pero sa ngayon, she’s back in using foreign songs.
Samantala, sa mga bagong posts ni Heart, makikitang nasa front row siya sa mga dinadaluhang fashion shows at katabi ang ibang celebrities.
Well, may post ito na kasama ang Indonesian superstar na si Maudy Ayunda. May post pa si Heart kasama ang taga-Global Management na talent agency yata ni Heart sa ibang bansa.
Hindi agad babalik sa bansa si Heart after ng MFW, diretso siya sa Paris Fashion Week (PFW), kaya marami pang OOTD (outfit of the day) na aabangan ng kanyang mga fans.
Kung dadalo rin si Pia Wurtzbach sa PFW, tuloy din ang bardagulan ng mga fans nila ni Heart Evangelista.
SA October na pala magsisimulang mag-taping ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) at sa December naman ang target airing ng Season 3 ng action-comedy series na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla.
Ibinalita ni Niño Muhlach na malapit na silang mag-taping at suwerte ang mga karakter na hindi pa namatay sa dalawang naunang seasons dahil kasama pa rin sila.
May nagtanong kay Niño kung hindi ba makakasama sa Season 3 ng action series ang anak niyang si Sandro Muhlach. Wala nga namang show ngayon si Sandro at maganda nga kung makakasama siya sa action-comedy series para sa ibang genre naman siya mapanood, hindi lang puro rom-com (romantic comedy).
Dahil magte-taping na ang WMNPSMNM, ibig sabihin, kaya nang mag-taping uli ni Sen. Bong. Nagte-therapy kasi ito dahil sa aksidente at nabanggit na by December, magaling na siya.
Ang hindi na nagawa ni Sen. Bong ay ang MMFF entry niya sana at wala na ring balita sa gagawin niyang pelikula kasama si Jillian Ward.
Matatapos na ang Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) ni Jillian, puwede na sana siyang mag-shooting habang naghihintay ng next project sa GMA-7.
GAGANAPIN ang MMPRESS Kickoff and Appreciation Night ng Multi-Media Press Society of the Philippines sa September 27, 2024 at 7:00 PM sa Mowelfund Film Institute. Magsisilbing introduction ng MMPRESS ang kickoff night para ipakilala ang organisasyon.
Tinawag ding rebranding ang event dahil unang nakilala ang MMPRESS na ENPRESS o Entertainment Press.
Para sa maiden project ng MMPRESS, bibigyan nito ng tribute ang ilang well-known and respected personalities sa showbiz.
Divided into three groups ang honourees. First ang MMPRESS Heroes, next ang Entertainment Stalwarts at last ang Trailblazing Leaders.
Sa susunod naming column, babanggitin namin ang mga honourees sa bawat grupo.
With this event, MMPRESS is definitely starting to make its strong presence felt in the entertainment industry in the coming days.
Comments