Mataas na lider ng NPA, patay sa engkwentro sa Eastern Samar
- BULGAR
- Jan 7, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | January 7, 2023

Napatay ang isang mataas na pinuno ng New People's Army (NPA) sa Eastern Visayas sa engkwentro nu'ng Sabado laban sa mga Philippine Army sa Eastern Samar.
Kinilala ng militar ang pinaslang na opisyal bilang si Martin Colima, kilala sa alias na Moki, na miyembro ng Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Nasa isang operasyon ang 78th Infantry Battalion ng 8th Infantry Division ng makaharap ang ilang armadong rebelde na nauwi sa maikling engkwentro.
Iniwan si Colima ng ibang rebeldeng umatras sa nasabing engkwentro.
Sugatan ang isang sundalo na agad na nadala sa ospital para magamot.
Nakumpiska naman ng mga sundalo ang isang .45 kalibre ng baril, 7 backpack at mga dokumento.
Comments