ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 22, 2022
Para kay Xian Lim, mas okay na pag-usapan muna talaga ng mag-partner o magkarelasyon ang lahat ng mga issues kabilang na ang financial matters at pre-nuptial agreement bago lumagay sa tahimik.
“I strongly believe na dapat pag-usapan talaga lahat ng bagay at dapat plantsado lahat ‘yan before pumasok (sa pagpapakasal) at you take that leap of faith, in having a baby or even getting married,” ani Xian sa virtual mediacon ng first teleserye niya sa GMA-7 na False Positive na magsisimula na ngayong May 2.
“Dahil baka kasi kapag hindi pa plantsado lahat — I mean, this is just my opinion, iba-iba naman ang rason ng tao, eh — but I think na parang, you don’t want na 'yung mga problema o ganyang hurdles na lumabas, 'pag once nandu'n na kayo sa point na 'yun at magkakagulo kayo, and it might shake up the relationship and it might be a chance na magkahiwalay pa kayo.
“Personally, I don’t want na umabot sa point na 'yun. But I think dapat plantsado. I think, the bank accounts, and how you will settle bills,” he said.
“Dahil you don’t want na magkaroon ng failed marriage,” sey pa niya.
Naniniwala rin si Xian sa sinabi ng American TV host na si Steve Harvey na: “Every couple needs 4 bank accounts.”
Aniya, “I’m sure, some people may or may not agree, one (savings account) to pay the bills, one is savings for the couple and one for you and one for her.”
Napaka-smart daw ng ideya dahil nga hindi naman biro ang pag-aasawa talaga.
“I think, entering something na ganu'n kalaki needs proper planning and mapag-usapan nang maigi,” sambit niya.
But sa kaso naman daw nila ng girlfriend na si Kim Chiu ay hindi pa naman nila napag-uusapan ang mga ganitong bagay since hindi pa raw sila ready to settle down.
Komentar