ni Lolet Abania | July 22, 2020

Mula pa sa ancient history ng mundo, ang ating planeta ay puno na ng iba't ibang foreign objects, kung saan nakakabuo ito ng isang lugar na tinatawag nating tahanan.
Isang insidenteng nagpapatunay dito, nang ang isang massive asteroid shower na bumagsak sa Earth at sa Moon na naganap 800 million years ago, ay nabuo, ayon sa isang pag-aaral.
Mas malalaki ang asteriods na ito na tumama sa mundo kaysa sa asteriod na bumagsak at responsable sa pagkawala ng mga dinosaurs noong nakalipas na 66 million years, ayon pa sa paniniwala ng mga researcher.
May mga ebidensiya rin na isang asteriod shower ang tumama sa Earth, 470 million years ago, na nakaapekto nang matindi sa sea level, icy conditions at biodiversity ng mundo.
Kamakailan, ang nadiskubreng Chicxulub crater, sa Yucatan Peninsula, Mexico na matatagpuan sa baybayin malapit sa bayan ng Chicxulub, ay nabuo nang ang isang malaking meteorite may laking 6.8 at 5.0 miles in diameter ay bumagsak sa Earth.
Sa research na ito, kung saan 800 million years nang nangyari, napag-alamang ang asteriod shower na bumagsak ay may kabuuang mass na 30 to 60 times nito, kaya nabuo ang Chicxulub.
Naganap ang impact bago pa ang Cryogenian period noong 635 million at 720 million years, kung saan ang mundo ay nabalutan ng icy deserts. Ito ang era ng napakagandang kapaligiran at pagtataglay ng biological changes ng mundo, ayon sa researchers.
Lahat ito ay lumabas sa pag-aaral ng Nature Communications.
Nakapaloob dito, "that it is not strange that an asteroid shower 800 million years ago might have triggered the ice age, because a total mass flux 800 million years ago is 10-100 times larger than those of Chicxulub impact and/or a meteoroid shower 470 million years ago," ayon kay Kentaro Terada, lead study author at professor ng Osaka University sa Japan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang pag-aaral ng mga dalubhasa at siyentipiko upang magkaroon ng patunay na dahil sa matitinding asteriod na tumatama sa mundo kaya nakakabuo ng panibagong tahanan ang ating planeta.
Comments