top of page
Search
  • BULGAR

Masayang-masaya raw… ECHO, KABUNTOT NI JANINE HANGGANG C.R.

ni Julie Bonifacio @Winner | August 26, 2024


Showbiz News
Photo: Celebrity Kids and Babies / FB

Umamin na si Jericho Rosales sa tunay na estado ng relasyon niya kay Janine Gutierrez. 

Sa ginanap na grand mediacon pagkatapos ng special screening ng “exclusive” edited version ng ilang episodes ng Lavender Fields (LF) para sa cast at mga miyembro ng entertainment media sa Gateway Cinema noong Sabado, natanong si Janine kung ano'ng bulaklak ang pinakamahusay na naglalarawan sa kalagayan ng puso niya ngayon.


Sagot ni Janine, “Uhm, eh, di lavender na rin.”


Pero agad binawi ni Janine ang kanyang sinabi. 


“Pero ‘di talaga lavender. Tinry kong ipasok pero hindi. Siguro sunflower, kasi ano, nakakita na ng liwanag,” kinikilig na paliwanag ni Janine.


Sobrang kinilig din ang lahat ng nasa loob ng sinehan, kabilang ang buong cast ng serye lalo na si Jericho na nakaupo sa gitna ni Janine at ng bida ng bagong Kapamilya drama series na si Jodi Sta. Maria.


Idinaan naman sa biro ni Jericho ang pagsagot nang tanungin kung ano ang favorite flower niya. 


“Sunflower po, kasi gusto ko po ng sinag ng araw,” pabirong sagot ni Jericho. 


Pagkatapos ay nagseryoso na ang leading man ni Jodi, “I’m just really very happy on the professional side. I’m so happy to be with these guys. I love my team.


“But on the personal side, all of these people that I’ve worked with love her. So, it just feels light. Everything feels light if you know what I mean. So, we’re professionals on set. We can joke about it off screen, but when we step there, it’s just like there’s really a good balance.”


All throughout ng event, bago pa man nag-start ang mediacon at special screening, laging nasa tabi ni Janine si Jericho. Kahit na nu’ng pumunta sa restroom si Janine, sinamahan pa rin siya nito. Pero siyempre, hanggang labas lang si Echo.


After the mediacon, nagpaunlak ng ilang tanong si Echo sa amin at sa ibang ka-close niyang showbiz writers. Tinanong si Echo kung gaano kasaya ang puso niya ngayon. 

“Masayang-masaya,” bulalas ni Jericho.


Anyway, pasabog na acting showdown ang handog nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales sa pagsasama-sama ng ilan sa mga pinakamalalaking artista sa Pilipinas para sa Kapamilya teleseryeng LF na unang mapapanood sa Netflix at iWantTFC bago ito ipalabas sa TV simula Setyembre 2. 


Isa sa mga pinakainaabangan sa serye ay ang powerhouse cast na pinangungunahan nina Jodi, Janine at Jericho kasama ang Philippine drama icons na sina Albert Martinez, Edu Manzano, Jolina Magdangal, at Maricel Soriano, at ang new gen actors na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago.


 

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang OPM singer-composer na si Ogie Alcasid sa It’s Showtime (IS) nu’ng Saturday.


Nag-opening number si Ogie at inawit ang bagong areglo ng mga hit songs niya noon gaya ng Nandito Ako, Kung Mawawala Ka, Ikaw Sana at Bakit Ngayon Ka Lang. 


Nanonood naman kay Ogie habang nagpe-perform ang kanyang mag-ina na sina Regine Velasquez at Nate sa audience. 


After mag-perform ni Ogie ay pumunta na sa stage sina Regine at Nate at binati ang IS host. 


Wish ni Regine na maging successful ang lahat ng ginagawang proyekto para sa ibang artists ng kanyang mister. Pati na ang pagre-reinvent sa sarili ni Ogie as an artista. 


“Honey, I’m very, very proud of you, and you know that. I’m very proud and very proud of the work that you do. So congratulations, Mahal. I love you very much,” pagbati ni Regine.


Hindi naman pinalampas ni Regine ang pagkakataon na pasinungalingan ang kumakalat na tsikang hiwalay na sila ni Ogie. 


Pahayag ni Regine, “By the way, gusto ko lang semplakin ‘yung nagsasabi na naghiwalay daw kami. 


“Hindi kasi alam n’yo mga kaibigan, marriage is difficult, marriage is very difficult the way it is, pero ‘yung may mga tao pa na who’s trying to make it even more difficult for us, ‘di po ‘yun maganda, parang ipinapanalangin n’yo na magkahiwalay kami, ‘di po kami maghihiwalay ever ‘coz we love each other. 


“Our marriage is not perfect, it’s not that for me, it is. It’s not perfect, siyempre may mga issues (jokes), pero gusto ko lang sabihin na napakabait po ng asawa ko.


“He is God-centered. Ang focus n’ya, kay God, marami s’yang ginagawa, pero ang focus n’ya, na kay God pa rin. Hence, ako po ‘yung nagbe-benefit du’n, dahil mahal na mahal n’ya ang Panginoon. Mabait at mabuti s’yang asawa at tatay sa ‘ming mga anak.”


Siyempre, nagbigay din ng kani-kanyang birthday wish kay Ogie Alcasid ang iba pang hosts ng IS, una na ang mga ka-team niya sa magaganap na Magpasikat 2024 sa anniversary ng Kapamilya noontime show.


  


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page