ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 1, 2024
Photo: Karla Estrada, KathDen - IG
Nagpahayag ng kanyang reaksiyon si Karla Estrada sa huge success ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again (HLA).
Pahayag nito, “Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi ‘yan, ‘di ba? ‘Pag magkakasama tayo sa industriya, dapat naghihilahan tayo pataas.
“Congratulations! I’m very happy. I’m very proud of Kathryn and Alden.” Pero hindi pa raw nako-congratulate ni Karla si Kathryn personally dahil hindi pa sila nagkikita uli ni Kathryn.
Nakausap namin si Karla sa red carpet ng grand mediacon ng inaabangan na action-drama series na Incognito. Bida ang anak niyang si Daniel Padilla sa bagong action series ng ABS-CBN’s Star Creatives kasama nina Richard Gutierrez at Ian Veneracion sa direksiyon ni Lester Ong Pimentel.
Um-attend si Karla sa grand mediacon para suportahan si Daniel, pati na ang iba pang kasama ng kanyang anak sa bagong action series na mauunang mapanood sa Netflix on January 17 (Friday) at sa iWantTFC on January 18 (Saturday). And on January 20 (Monday), mapapanood ang Incognito sa Kapamilya Channel, TV5 and A2Z.
“Nandito ako for the entire cast of Incognito. Support siyempre natin sa bagong palabas, especially sa anak ko, kay Daniel,” ani Karla.
Posible raw magkaroon ng special guest appearance sa Incognito ang younger sister at anak ni Karla kay Mike Planas na si Carmela.
“Oo, abangan natin,” nakangiting sabi ni Karla.
Bilang ina, happy siyempre si Karla sa pagbabalik-serye ng kanyang anak na si Daniel.
“Yes, actually, hindi lang ako ‘yung natuwa, lalo na si Daniel. Kasi, naging handa s’ya at ang tagal na nating pinaghahandaan ang isang aksiyon na palabas. Kasi ‘yan talaga actually ang halos hindi pa n’ya nagagawa. Nakagawa na s’ya ng drama, comedy and all.
“Eto kasi, all-out action. Happy s’ya with (his) Tito Ian, Richard Gutierrez and Baron Geisler. Kasi nakakahugot talaga s’ya, marami s’yang natutunan, ha, sa aksiyon.”
Wala rin daw silang problema sa billing ni Daniel with the other actors na kasama ng kanyang anak sa Incognito.
“Basta ang importante, ano ba’ng kaya mo’ng ibigay at ipakita. Okey na ‘yan, ‘di ba?”
Marami ang curious kung ano ang mga pinagkaabalahan ni Daniel after ng hiwalayan nila ni Kathryn, bukod sa pag-shoot ng Incognito sa Italy at sa El Nido, Palawan.
“Well, alam mo ‘yan, hindi naman mapakali sa buhay n’ya. Ang dami n’yang negosyong binuksan, ‘di ba, and workshop. Para ‘pag dumating ‘yung mga ganitong pagkakataon, ready ka. So, ready s’ya,” diin ni Karla.
After ng hiwalayan kay Kathryn…
KARLA, KINUMPIRMANG WALA PANG GF SI
DANIEL
May pa-reveal pa si Karla sa amin na abangan si Daniel sa malaking pelikula nito next year, isang action film daw ito.
Nag-share rin si Karla ng kanyang naramdaman para sa anak na si Daniel nu’ng inisplitan ni Kathryn.
Sey niya, “Alam mo, ang nanay ang unang nalulungkot ‘pag malungkot ang mga anak. ‘Pag may pinagdaraanan ang mga anak, mas gusto mong kunin na lang ang mga pinagdaraanan nila.
“Pero, tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa because it’s not gonna be forever na kasama natin sila, ‘di ba? Paano ‘pag mamaya, mawala na tayo?
“So, tuturuan natin ang mga anak natin na tumibay ang mga buto nila.”
Namumuhay na raw independently si Daniel.
“Lalaki ‘yan,” sabi ni Karla.
“Actually, kahit ‘yung mga girls ko na anak, they’re very independent,” dagdag niya.
Paalis na si Karla sa red carpet pero naihabol namin ang tanong kung true ang balitang may bagong girlfriend na si Daniel Padilla.
“Hindi. Ikaw talaga,” say ni Karla Estrada sa amin.
Comments