top of page
Search
BULGAR

Masaya ang Pasko ni Yulo sa P500K mula kay Chavit

ni MC @Sports News | Nov. 11, 2024



Photo: Ipinagmalaki ni Karl Eldrew Yulo ang kanyang 4 na gold medals bilang pagpapahayag ng kanyang pasasalamat sa kabutihang loob ni Luis “Chavit” Singson. Tumanggap siya ng ₱500,000 cash reward mula kay Singson gaya ng pangako nito sa atleta habang saksi ang anak niyang si Ilocano Ako party list Rep. Richelle Singson-Michael. (yulofacebookpix)


Dumaan muna sa napakaraming pagsubok ang batang si Karl Eldrew Yulo bago nakamit ang 4 na gold medals mula sa 3rd JRD Artistic Gymnastics Championships sa Thailand noong nakaraang Linggo bago nakatanggap ng isang insentibo mula sa ginintuang puso ni Senatorial aspirant Luis “Chavit” Singson nang personal niyang ibigay sa atleta ang P500,000.


Sinabi ni Singson na deserve ni Yulo ang insentibo dahil sa kanyang sipag at determinasyon at maging susunod na gymnastics sensation katulad ng nakatatandang kapatid na si Carlos na naka-2 golds sa Paris Olympics noong Agosto.


Nakamit ng 16-year-old Yulo ang gold medals sa junior individual all-around event, floor exercise, still rings, at vault at silver medals sa parallel bars at team all-around event upang maging pinakamatagumpay na atleta sa prestihiyosong torneo.


Kasama ni Yulo sa simpleng turnover ang ina na si Angelica, ama na si Andrew at kapatid na si Elaiza at anak ni Singson na si Ako Ilocano Ako party list Rep. Richelle Singson-Michael. Matagal nang sumusuporta sa Philippine sports si Singson.


Siya ang manager sa professional career ni boxer Charly Suarez na hindi humihingi ng anumang kapalit habang nagsisilbing chairman emeritus ng Philippine National Shooting Association. Personal siyang nanonood bilang panatiko ng Philippine Basketball Association. Malapit din sa puso niya ang Yulo family.


Sa nakaraang 2 linggo, una siyang nagbigay ng P1 million bilang maagang Pamasko sa pamilya at hangad na magkaayos na kay Carlos.


“Love and respect are essential values of a Filipino family,” ani Singson, na kilala bilang mapagmahal na ama sa kabila ng pagiging abala sa trabaho at determinasyon na pag-ibayuhin ang buhay ng Pinoy.


“I am offering myself to be the catalyst of love and forgiveness within the Yulo family. My only wish is for them to finally settle their differences and be united as we celebrate the Christmas season.”

1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


lipij46279
Nov 12

If you're looking to add a touch of magic to your special day, hiring a birthday magician in Los Angeles is the perfect way to make your celebration unforgettable. With their skillful tricks and enchanting performances, a birthday magician Los Angeles can captivate guests of all ages, leaving everyone amazed and entertained. Whether it's a child’s party or an adult gathering, these magicians tailor their acts to suit the occasion. From mind-boggling illusions to humorous antics, a birthday magician Los Angeles can create a fun and interactive experience, ensuring that your event is filled with laughter and wonder.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page