top of page
Search
BULGAR

Masangsang na amoy at mala-tsaa na kulay ng ihi, sintomas ng UTI

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 14, 2020



Dear Doc. Shane,


Ano ba ang dahilan ng pagkakaroon ng UTI? May kaugnayan ba ito sa kinakain o sa pagpipigil lang ng ihi at kakulangan sa pag-inom ng tubig? Ano ba ang sanhi ng UTI, bukod sa mga nabanggit? Maaari rin ba ninyong talakayin ang mga sintomas nito? – Lanah


Sagot


Ang urinary tract infections (UTI) ay isang uri ng sakit na umaapekto sa daluyan ng ihi at ari ng tao. Ito ay dulot ng mga mikrobyo na nagpapahina sa kakayahan ng katawan na labanan ang sakit na maaaring umapekto sa bahaging ito ng katawan.


Ang sakit na ito ay umaapekto sa mga bato, pantog (bladder), maging sa ibang mga bahaging umuugnay sa mga ito.


Ano ang sanhi nito?

  • Ang UTI na cystitis ay karaniwang dulot ng Escherichia coli o E. coli, isang uri ng bakterya na karaniwang matatagpuan sa mga bituka. May mga pagkakataong ang sakit na ito ay dulot ng iba pang uri ng bakterya.

  • Hindi ligtas na pakikipagtalik. Lahat ng kababaihan ay may panganib na magkaroon ng cystitis. Kapag labis na nakabuka ang puwerta o ari nito, tulad ng nangyayari tuwing nakikipagtalik ay mas malaki ang posibilidad na makapasok ang bakterya sa loob ng urethra. Ito ay dahil malapit lamang ito sa puwit.

  • Impeksiyong dulot ng sexually transmitted disease. Ang mga mikrobyong dulot ng sexually transmitted na mga sakit, tulad ng herpes, tulo (gonorrhea), klamidya (chlamydia) at maging ang mycoplasma ay maaari ring magdulot ng UTI sa kababaihan.


Mga sintomas:

  • Mahapding pakiramdam sa ari tuwing umiihi

  • Dumadalas na pakiramdam na naiihi kahit walang lumalabas na ihi

  • Pagkakaroon ng dugo sa ihi (hematuria)

  • Pagkakaroon ng malabong ihi

  • Ihi na kakulay ng tsaa o kaya ay ng soft drink

  • Ihi na may masangsang na amoy

  • Pananakit ng balakang sa kababaihan

  • Pananakit sa may puwitan ng kalalakihan


Maaaring iwasan ang UTI sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng maraming tubig

  • Ugaliing umihi pagkatapos makipagtalik

  • Huwag magpigil ng ihi

  • Tiyaking magpunas mula sa harap papunta sa likod pagkatapos umihi o kaya dumumi

  • Iwasan ang madalas na paggamit ng feminine wash—maaari nitong masira ang natural na balanse ng mga bakterya sa loob ng ari

  • Ugaliing palitan ang mga birth control na ginagamit


Ang urinary tract infection (UTI) ay kadalasang madali lamang gamutin. Upang gumaling agad, maaaring imungkahi ng doktor ang mga sumusunod na lunas:

  • Pag-inom ng antibiotic

  • Pag-inom ng pain reliever

  • Paglalagay ng heating pad sa likuran

  • Pag-inom ng cranberry juice

  • Pag-inom ng buko juice

  • Pagkonsumo ng mga pagkaing may probiotic

  • Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page