top of page
Search

Masamang epekto ng pagkain ng instant noodles!

BULGAR

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 2, 2021





Dear Doc. Shane,


Ako ay single mom na may dalawang anak. Dahil sa sobrang busy sa work, pagkatapos ng online class ng mga anak ko ay madalas instant noodles lang ang naluluto ko sa kanila. Alam kong hindi ito healthy kaya nilalagyan ko na lang ng itlog at kaunting gulay. Masama ba talaga ang sobrang pagkonsumo sa instant noodles? – Jeya


Sagot


Kung ating papansinin, nahihilig ang mga bata sa instant noodles at pati na rin mga matatanda kasi napakadaling iprepara nito.


At kung dadalasan ang pagkain nito, hindi maganda ang maidudulot nito sa kalusugan at sa ating mga anak.


Mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng karamdaman sa puso at pagkakaranas ng stroke sa mga taong madalas kumain ng instant noodles. Ito ang lumalabas sa pag-aaral na isinagawa sa Bayer at Harvard University, mga pangunahing eskuwelahan sa Estados Unidos.


Ito ay dahil sa sangkap na taglay ng karamihan sa mga instant noodles na TBHQ o tertiary-butyl hydroquinone. Ang TBHQ ay isang uri ng preservative na hinahalo sa maraming uri ng pagkain upang ito ay magtagal. Napag-alaman sa pag-aaral na ang sangkap na ito ay walang benepisyo sa kalusugan at hindi rin kayang tunawin ng katawan. At dahil dito, maaaring maapektuhan ang metabolism ng indibidwal na maaari namang humantong sa pagkakaroon ng sakit sa puso, stroke at iba pang mga sakit.


Kaya kung kaya namang iwasan ang pagkain ng mga instant noodles ay iwasan na natin ito hangga’t bata pa.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page