top of page
Search
BULGAR

Mas type maging senador… RAFFY, ATRAS MAG-VP KAY PACQUIAO

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | September 26, 2021




Kung si Raffy Tulfo, ayon sa ilang pipol in the know, ay umatras sa alok ni Manny Pacquiao na maging vice-president niya this coming 2022 elections dahil mas gusto raw nitong mag-senador na lang, well, solid naman at kasado na ang tandem na Ping Lacson at Tito Sotto III para tumakbong president at vice-president sa darating na halalan next year.


Sa kasalukuyan ay si Tito Sen (as we fondly call him) ang Senate president. Hindi naman kataka-takang tumakbong VP si Tito Sen dahil ang angkan nila sa Cebu ay kilalang mga pulitiko magmula sa kanyang lolo at ama.


Ang anak naman niyang si Gian Sotto ay vice-mayor sa Quezon City sa kasalukuyan. Ang pamangkin niyang si Vico Sotto ay Pasig mayor naman.


Ang una nga raw niyang anak na si Lala Sotto ang unang naging interesado sa pulitika noong nag-aaral pa ito sa kolehiyo.


Kaya nga biniro ni yours truly itong si Tito Sen na baka makopo na nilang mga Sotto ang mundo ng pulitika rito sa ‘Pinas at natawa lang siya.


Basta ang sabi lang niya ay tipong nasa dugo nila talaga ang maging politicians dito sa ating bansa para maglingkod sa mamamayang Pilipino.


‘Yun na!


Pero ang misis niyang former actress na si Helen Gamboa ay mananatili lang daw na tagasuporta niya sa lahat ng bagay na gusto niya at kamakailan nga lamang ay nagdaos sila ng kanilang 52nd wedding anniversary. In pernes, wala pa ring kupas ang taglay na kagandahan ng isang Helen Gamboa, na if ever, siya na yata ang tatanghaling pinakamagandang First Lady ng bansang ‘Pinas.


‘Yun, oh!


Sa kumustahan namin ni Tito Sen ay nagbitaw si yours truly ng quotation-ek (pang-trivia lang at pampa-good vibes) that goes, “Tito Sen, do you believe in a saying na as long as there is yesterday, memories remain?” Siyempre, nagkatawanan.


“Alam mo ba, Tito Sen, na nu’ng nanliligaw ka pa lang kay Helen, nu’ng nasa shooting niya ako noon sa bakuran ng Lea Productions, tinawag niya ako at may ipinakitang litrato mo with matching dialogue na…‘Mercy, Mercy, tingnan mo ang picture dito ni Tito, oh, ‘di ba, kamukha siya ni Alain Delon?’”


If you care to know, si Alain Delon po ay isang international French actor na sumikat noong dekada ‘60 at ‘70 sa mga pelikulang Purple Moon, The Swimming Pool, Le Samurai, Borsalino, The Leopard, at marami pang iba.


Inamin naman ni Tito Sen na favorite international French star nga ng misis niyang si Helen si Alain Delon kaya pati raw biyenan niya noon, ang tawag sa kanya ay Mah-Alain, na ikinatawa naming lahat.


Isa pang trivia, Tito Sen, alam mo ba na naging bodyguard si yours truly ng ka-tandem mo this coming election as president na si Ping Lacson at ng former actress na si Tina Monasterio noong sila ay mag-BF-GF pa lang?


‘Yun nga lang, hindi sila ang nagkatuluyan. Not meant to be. ‘Di katulad n’yo ni Helen Gamboa na naging Mrs. Vicente “Tito” Sotto III, boom ganern!


Isa pang tanong, Tito Sen, “Kapag nahalal ka bang vice-president sa next election or next year, tutulungan mo ba ang ABS-CBN na muling makakuha ng prangkisa since identified ka sa GMA-7?”


“Oo naman. Kasi ang daming apektadong empleyado, pati kayong nasa media. Kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magkaroon uli ng prangkisa ang ABS-CBN,” ang kanyang binitawang OPM.


At dahil diyan, for sure, maraming Kapamilya stars ang iboboto si Tito Sotto as our next vice- president. Wanna bet, ha, Log?


‘Yun lang and I thank you.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page