top of page
Search
BULGAR

Mas piniling mag-gov. sa Batangas… VILMA, UMAMIN KUNG BAKIT 4 BESES INALOK MAG-VP, ATRAS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 28, 2024



Photo: Vilma Santos-Recto - FB


Diretsong sinagot ng well-loved Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto ang tanong namin sa kanya sa ginanap na Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) talk back sa University of Sto. Tomas kahapon kung bakit mas pinili niyang tumakbong muli bilang governor ng Batangas kesa mag-senador sa upcoming elections.


Kung matatandaan, dati pa ay marami nang nag-aalok kay Ate Vi na tumakbong senador at kahit sa pagka-presidente.


Paliwanag ni Ate Vi, panahon pa ni ex-Pres. Gloria Macapagal Arroyo ay apat na beses na siyang inalok na mag-bise-presidente, pero ang katwiran nga niya, ang paglilingkod ay hindi para sa posisyon o titulo kundi pagsasakripisyo para sa kanyang mga pinaglilingkuran.


Dahil last term na ni Ate Vi sa pagka-gov. noon, mas pinili niyang tumakbong re-electionist dahil marami siyang proyektong gustong tapusin para sa kanyang mga kababayan sa Batangas.


Ang ganda rin ng sinabi ni Ate Vi na ibang-iba ang buhay niya bilang artista na pinagsisilbihan, may VIP treatment sa shooting at guesting at inirerespeto-hinahangaan ng mga tao.


Pero pagdating sa pulitika, siya ang nagse-serve sa mga tao at maraming naisasakripisyo kasama na ang malaking kinikita nila.


Natatawa nga si Ate Vi habang sinasabing sa showbiz ay malaki ang kinikita niya pero bilang public servant, sila pa minsan ang naglalabas ng sarili nilang pera sa pagtulong.

Samantala, tuwang-tuwa maging ang mga GenZ habang kausap si Ate Vi dahil ang dami-daming lessons ang natututunan nila sa itinuturing nang icon sa industry lalo na sa mga kuwento ni Ate Vi tungkol sa mga pelikulang ginawa niya tulad ng Bata, Bata, Paano

Ka Ginawa, Tagos sa Dugo, Dekada ‘70 at Ekstra.


‘Pag si Ate Vi na ang nagsalita, ibaaaa! Sabi nga niya, sa liit niyang babae, kahit ang mga brusko sa Batangas ay nakikinig sa kanya.

Well, that's how well-respected Ate Vi is.


 

Misis, wala raw kinuhang pera….

CHITO, IBINULGAR ANG DAHILAN KAYA INARESTO SI NERI



Binasag na ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ang katahimikan niya at nagbigay na ng pahayag sa pagkakaaresto ng misis niyang si Neri Naig kaugnay ng ilang negosyong pinasok nito.


Sa mahaba niyang Instagram post kahapon, ito ang mababasang pahayag ni Chito, "Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito, kawawa naman yung asawa ko (praying and heart emoji).


"Never nanloko si Neri, at never s'ya nanlamang sa kapwa. Never s'yang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man, alam ng lahat 'yan. Tulong lang s'ya ng tulong hangga't kaya n'ya. Minsan kahit 'di na nakakabuti sa kanya. Kadalasan nga, naaabuso na s'ya pero hinahayaan n'ya na lang, basta wala s'yang ginawang masama, pinapasa Diyos n'ya na lang. 


"Tulad ngayon, endorser lang s'ya tapos ginamit 'yung face n'ya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima.


"Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa s'ya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and 'di n'ya na-defend 'yung sarili n'ya. Wala s'yang na-receive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.


"'Yung mga dati, na-receive namin, n'ya, at nag comply s'ya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso).


"Anyway, dinampot na lang s'ya bigla. (Nadismiss na 'yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we're praying na sana ma-dismiss na rin ito.)


"Wala s'yang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.


"Sobrang bait po ni Neri...as in sobra. Eto 'yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”


Well, abangan na lang din natin kung magsasalita rin si Neri Naig.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page