ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 31, 2025
Mixed ang feedback sa inilabas na trailer ng Netflix Philippines sa Sosyal Climbers na tampok sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Start ng streaming nito sa February 27 at based sa feedback, maghi-hit ang series na ito na for sure, kinunan bago ang controversy sa dalawa.
May mga nega comments na hindi maiwasan gaya ng hindi nila susuportahan ang series, pero mas marami ang positive comments.
Malakas daw talaga ang chemistry ng dalawa kaya kahit ano’ng controversy, nalagpasan nila.
Sabi pa ng isang comment, nagkamali man sina Maris at Anthony na nag-cheat kay Jamella Villanueva, tao lang sila. Hindi nga lang maipagkakailang magaling sila pareho at ‘yun na nga, ang lakas ng chemistry. Hindi raw nasira ang career ng dalawa dahil lang sa isyu sa kanila.
May mga nagpasalamat naman sa ex ni Anthony na si Jamella dahil mas dumami raw ang project ng aktor at ni Maris dahil sa kanya. Dedma ang mga fans sa isyu, basta panonoorin nila ang series.
Well, mas marami ang kinilig na mga fans ng dalawa dahil sa kissing scene nila at may eksena pang magkatabi sila sa bed. Ang feeling ng iba, sa taping ng series na ito nagsimula silang magkainlaban. Ramdam nga raw sa mga eksena nilang dalawa na rito pa lang, feel na nila ang isa’t isa.
KUNG may mga nang-bash man kay Miguel Tanfelix dahil ipinromote kay Zsa Zsa Padilla ang action series niya sa GMA-7 na Mga Batang Riles (MBR), may mga pumuri rin sa kanya.
Nanghingi kasi si Zsa Zsa ng rekomendasyon sa mga followers niya sa X (dating Twitter) kung ano ang puwede niyang panoorin dahil katatapos lang niyang panoorin ang Lavender Fields (LF).
Sa tweet niyang “Natapos ko na rin ang teleseryeng Lavender Fields, ano kaya next na kakahumalingan?” sumagot si Miguel ng, “Hello, Ms. Zsa Zsa. Try n’yo po silipin ‘yung Mga Batang Riles. Hehehe! Salamat po.”
Binash si Miguel sa ginawa lalo na nang hindi siya sagutin ni Zsa Zsa. Later on, sumagot din si Zsa Zsa ng “Thanks for the reco! I will watch it next! My apologies, did not see your message earlier.”
Hindi pa rin tumigil ang mga bashers ng aktor, kaya dinepensahan na siya ng mga fans. Wala raw masama sa ginawa niya, inilapit lang niya kay Zsa Zsa ang kanilang action series na in fairness, maganda ang review.
Nanghingi ng rekomendasyon si Zsa Zsa, nagbigay si Miguel. Saka, nanonood ng show sa GMA-7 si Zsa Zsa at ang last na pinanood niya ay ang Pulang Araw (PA) na kanyang nagustuhan.
Malay natin, sa ginawa ni Miguel Tanfelix, magustuhan din ni Zsa Zsa ang seryeng Mga Batang Riles.
Comments