Mas matinding El Niño, ibinabala ng PAGASA
- BULGAR
- Nov 30, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 30, 2023

Malaking epekto ng El Niño ang paglitaw ng mga tropical cyclone sa area of responsibility ng bansa, ayon sa isang eksperto ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes.
“Ito ang isa sa pinakaepekto ng El Niño dahil 'yung bagyo ay more in the east nabubuo so kapag malayo, hindi na umaabot sa Philippine area of responsibility at mayroong reduction sa frequency na nagla-landfall or cross sa PAR,” sabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion.
Ayon kay Figuracion, nagdudulot ang El Niño ng mas mataas na humidity at sporadic cloud formation na nakakaapekto sa dalas ng mga bagyo sa bansa.
"Ang bagyo ay isang driver ng tubig-ulan so kung may reduction sa bagyo ay may reduction din sa tubig-ulan dahil 70 percent ng tubig-ulan ay mula sa bagyo,” dagdag niya.
Sa isang climate outlook forum noong ika-22 ng Nobyembre, kinumpirma ng PAGASA na lumala ang El Niño.
Ibig sabihin, mas maaaring maging mas matindi at mas tumagal ang epekto nito sa bansa.
Comentarios