top of page
Search

Mas masahol pa raw kay Gerald na nang-ghosting kay Bea…

BULGAR

JOEM, INALOK NA NG KASAL ANG EX-GF, BIGLANG INIWAN PARA KAY MERYLL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 20, 2021




Speaking of Joem Bascon, dahil sa dami ng nakisimpatya sa ex-GF niyang si Crisha Uy na isang commercial model-vlogger, naging nega ang imahe ng aktor sa publiko.


Mas matindi pa raw sa ghosting ang ginawa ni Joem sa GF for 8 years na pinaasa lang pala niya nang ilang taon pero iiwan din.


Base sa isang dating vlog ni Crisha, 3 yrs. bago nakipagbalikan si Joem kay Meryll Soriano ay nag-propose sa kanya ang aktor. Meaning, engaged na sila kaya umasa siyang pakakasalan ni Joem.


Pero, nagbago nga ang sitwasyon nang muling magkatrabaho sa isang pelikula sina Meryll at Joem. May napansin at naramdamang kakaiba si Crisha Uy sa mga kilos ni Joem.


May mga kaibigan silang nagparating sa kanya ng balita tungkol sa pagbabalikan nina Meryll at Joem. Pero in denial siya at hindi kinompronta ang aktor.


Hinintay lang daw niyang si Joem mismo ang magsalita at magtapat tungkol kay Meryll. Kaya ikinabigla na lang ni Crisha nang sabihin sa kanya ng aktor na hindi na siya nito mahal at nakikipaghiwalay na.


Para sa ex-GF ni Joem na si Crisha, hindi naging honest sa kanya ang ex-BF dahil hindi agad nagsabi kung ano ang real score sa kanilang relasyon. Kaya hindi masasabing nagkaroon sila ng maayos na closure nang maghiwalay.


May hugot-statement nga si Crisha sa isa sa kanyang mga vlogs na sumesentro sa pagiging HONEST kapag may karelasyon. Patama kaya 'yun ni Crisha Uy sa ex-BF niyang si Joem Bascon?


Well, maganda at mukhang smart naman ang ex-GF ni Joem. Tiyak na makakahanap din siya ng tamang lalaki na magmamahal sa kanya nang tapat at wagas. Hindi niya deserve na maging martir sa pag-ibig.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page