ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023
Naglalayon ang Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang bilang ng security personnel na nakatalaga sa mga "clash points" sa gitna ng 'di inaasahang karahasan na naganap sa kamakailang halalan sa barangay.
Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco sa isang panayam na paiigtingin ng ahensya ang implementasyon ng seguridad sa nalalapit na halalan sa 2025.
Inililista ang "clash points" sa mga kategoryang green, yellow, orange, at red.
Ipinahayag ni Laudiangco na 'di inaasahan ang antas ng karahasan kaugnay ng eleksyon kahit na may sapat na bilang ng mga pulis at sundalo na inilagay sa mga clash points sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
“The clash points like in Puerto Princesa, we really did not expect that, because Puerto Princesa City is not in the red category, neither in the orange category, it’s actually in the green category,” dagdag ni Laudiangco.
Itinigil ng Comelec ang operasyon ng ilang oras nang pasukin ng mga tagasuporta ng isang kandidato sa Barangay Kalipay ang isang clustered precinct at sumira ng daan-daang hindi nagamit na balota.
Iniulat ng Comelec na sa kabila ng mga hiwalay na insidente ng karahasan, pangkalahatang mapayapa ang halalan.
Comentários