top of page
Search
BULGAR

Mas maraming empleyadong balik-trabaho, mas dapat mag-ingat vs COVID-19

ni Ryan Sison - @Boses | April 14, 2021



Matapos ang dalawang linggong pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble, aabot sa 500,000 manggagawa na hindi nakapaghanapbuhay ang balik-trabaho.


Ito ay dahil nadagdagan pa umano ang mga negosyo na maaaring magbukas at magbalik kahit sa limitadong operasyon sa pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) noong Abril 12, 2021, Lunes.


Ngunit sa kabila nito, may isang milyon pang manggagawa ang nananatiling walang trabaho at muli lang silang makakapagtrabaho kapag umiral na ang general community quarantine (GCQ).


Matatandaang, pangunahing tinamaan ang mga nasa service activities, constructions, transportation and storage, administrative and support services at accommodation and food support services.


Sa totoo lang, maiksing panahon lamang ang dalawang linggo, pero napakahirap para sa marami nating kababayan, lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay. Tipong kahit ayaw nilang umasa sa gobyerno para may makain, no choice kundi maghintay lamang ng ayuda.


Gayunman, ‘ika nga ay good news ito para sa kalahating milyong manggagawang nakabalik sa trabaho dahil ibig sabihin, mas kaya na nilang mairaos ang pang-araw-araw na gastusin.


Sa kabila ng pagbabalik-trabaho ng libu-libong manggagawa, malamang, marami na namang tao sa labas. Ibig sabihin, nariyan na naman ang siksikan sa mga terminal at pampublikong sasakyan, kaya panawagan sa mga tsuper at komyuter, tiyaking nasusunod ang tamang sitting capacity sa PUVs sa lahat ng pagkakataon para maiwasan ang siksikan.


Samantala, hangad nating mas dumami pa ang mga kababayan natin na makabalik sa kani-kanilang trabaho sa kabila ng ating sitwasyon. Pero siyempre, kasabay nito ang mas mahigpit na pag-iingat kontra sa sakit, hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa ibang tao.


‘Ika nga, pare-pareho lang namang na naghahanapbuhay ang mga kababayan nating lumalabas, kaya dapat lang na iprayoridad natin ang kaligtasan ng bawat isa.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page