top of page
Search
BULGAR

Mas maluwag na lockdown, mas mahigpit na health protocols

@Editorial | April 13, 2021



Bago mag-modified enhanced community quarantine (MECQ), 14 na araw munang ibinalik sa ECQ ang NCR plus.


Kaugnay nito, batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), umabot sa 50,416 ang mga pasaway sa health protocols.


Nanguna sa mga paglabag ang hindi pagsusuot ng face shield na umabot sa 25, 752. Sinundan ng mga hindi naka-facemask na 13,467 ang bilang.


Nasa 4,611 naman ang lumabag sa physical distancing; 6,245 sa RA 1332 o Mandatory Reporting of Notifiable Disease at 341 naman sa mass gathering. Ang nanguna sa pinakamaraming quarantine violators ay sa Metro Manila.


Samantala, bagama’t ibinaba na sa MECQ ang NCR plus, tiniyak naman ng mga awtoridad na regular pa rin ang pagpapatrulya sa mga pampublikong lugar. Bantay-sarado pa rin ang mga palengke, terminal at iba pa.


Tulad ng una na nating sinabi, ang mas maluwag na lockdown ay hindi nangangahulugang dapat nang magpakampante, magliwaliw o magpasaway, kundi kailangang maging mas maingat at mas mahigpit sa pagpapatupad at pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19.


Huwag tayong masanay sa lockdown dahil hindi na kakayanin ng ekonomiya, ‘ika nga, ligtas nga sa virus, patay naman sa gutom. Sa halip, masanay tayo sa pagsunod sa mga panuntunan, masanay tayo kung paano sasabayan itong pandemic na ‘to.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page