top of page
Search
BULGAR

Mas malalim na imbestigasyon sa pagbagsak ng eroplano ng Air Force

@Editorial | July 06, 2021



Kasunod ng pagbagsak ng C130 cargo aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu, na ikinamatay ng halos 50 katao na karamihan ay mga sundalo, bumuo na ng probe team ang Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ang team ay binubuo ng mga technical experts at piloto na nagmula sa Air Mobility Command ng PAF. Sila ang aalam sa dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano.


Napag-alamang ang AFP ay mayroong apat na C130, maliban sa nasabing bumagsak, isa ang grounded ngayon at dalawa naman ang nire-repair sa Portugal at isa pa ang nakatakdang i-deliver.


Samantala, batay sa ulat, ito na ang ikatlong insidente ng pagbagsak ng eroplano ng military sa taong ito. Nitong Enero, isang helicopter ang bumagsak at nasundan nitong Hunyo.


Marami ang nagtatanong, ano’ng nangyayari sa mga eroplano ng gobyerno? Nasaan ang problema? Bagay na dapat mas matutukan dahil kung mauulit lang nang mauulit ay talagang maraming buhay ang masasayang.


Ang panawagan naman sa taumbayan lalo na sa mga netizens, huwag manggulo. Tigilan ang pagpapakalat ng fake news, hindi na nga nakatutulong dagdag-problema pa.


Hayaan nating ang mga awtoridad ang mismong mag-imbestiga at gumawa ng malinaw na paliwanag sa mga insidente.


Sa mga hindi naman intensiyong magpakalat ng fake news, kung hindi sigurado sa mga nababasa online, huwag nang i-share.


Napakabigat na ng pinagdaraanan ng pamilya ng mga nasawi sa insidente, huwag nang dagdagan pa.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page