top of page
Search
  • BULGAR

Mas mahal pa sa mga bahay sa subdivision… JINKEE, 630 PLUS NA ANG BRANDED BAGS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 27, 2024



Showbiz News

Grabe pala ang collection ng branded bags ni Jinkee Pacquiao na umabot na sa mahigit 630 piraso at milyun-milyon na ang kanyang na-invest para sa luxury bags collection niya. Kasinghalaga na ito ng mga properties sa malalaking subdivision. 


Well, pumangalawa kay Jinkee Pacquiao sa dami ng branded bags si Dra. Vicki Belo na 300 plus ang collection. Ipinanreregalo na lang niya ito sa mga kaibigang celebrities tulad nina Alex Gonzaga, Vice Ganda, Maris Racal atbp.. 


Sumunod sina Marian Rivera, Heart Evangelista at Mariel Padilla sa mga collectors ng branded bags na may 200 plus na. 


Si Mariel, dahil hindi naman niya nagagamit ang kanyang mga branded bags ay ibinebenta niya ang mga ito online. Nagla-live selling siya, kaya naibabalik sa kanya ang mga ginastos sa kanyang bag collection. 


Para naman kay Marian Rivera, itinuturing niyang investment ang pagbili ng branded bags dahil puwede niyang ibenta at pagkakitaan. 


Samantalang si Heart ay bahagi ng kanyang pagiging fashion icon ang pagkakaroon ng branded bags tulad ng Hermes, Christian Dior, Louis Vuitton, Chanel, Bulgari, atbp..


Nagagamit niya ito sa kanyang pagrampa sa fashion events sa Paris New York at France. Bumagay sa personalidad ni Heart Evangelista, ang pagkakaroon ng mga luxury bags. 


 

‘Di uubra ang mahina… 

BEA, KINATATAKUTAN NG MGA LALAKI


Bea Alonzo

Sa status at yaman ngayon ni Bea Alonzo, mahihirapan siyang makakuha ng bagong boyfriend. Kahit sinong lalaki, tiyak na mai-intimidate agad sa kanya. 


Bukod sa yaman, malakas ang personalidad ng aktres. Hindi siya basta mapapasunod ng kanyang magiging karelasyon. 


Well, dapat ay makatagpo si Bea ng lalaking bukod sa financially stable ay matalino at kayang pantayan ang mentalidad ng aktres. Hindi uubra kay Bea ang lalaking mahina ang loob at madaling sumuko. 


Marami ang hindi naniniwala na pagkatapos ng breakup nila ni Dominic Roque ay may bagong boyfriend na ang aktres. Hindi love life ang prayoridad ngayon ni Bea, focused siya sa kanyang career at sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo. Mas mahirap na siyang abutin ngayon ng mga kalalakihan.


 

MARAMI ang nagtatanong kung pumayag kaya si Paul Salas na maging Calendar Girl ng isang brand ng alak ang girlfriend niyang si Mikee Quintos?


Medyo sexy kasi ang concept ng pictorial para sa calendar ng nasabing alak, ibang-iba sa image ni Mikee sa telebisyon.


Ganunpaman, nasa tamang edad na rin naman ang aktres. Part naman ng kanyang career ang pagiging endorser at may go signal naman mula sa GMA Network ang pagtanggap niya ng nasabing endorsement. Tiyak na maiintindihan din ito ng nobyo niyang si Paul Salas. 


Well, sa dami ngayon ng magaganda at seksing artista, masuwerte si Mikee Quintos na napili siyang Calendar Girl. In a way, makakatulong din ito sa kanyang career.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page