ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 09, 2021
Online classes ang mas nananaig ngayon, at dahil blended learning ang umiiral bunsod ng pandemya, dapat mas mababa ang matrikula, ‘di ba?
Biruin n’yo, ilang unibersidad o kolehiyo pa lang ang may face-to-face classes, kaya bakit as is pa rin ang sinisingil sa mga estudyante? Hindi ba dapat bawasan naman ang assessment ng fees dahil bawas din ang operating costs?
Pero sa hybrid hearing ng Committee on Higher, Technical at Vocational Education tungkol sa Senate Bill 1744, ang panukalang i-rebisa ang Republic Act 7722 o Higher Education Act of 1994, lumilitaw na nagtakda ang Commission on Higher Education ng guidelines sa mas resonableng pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin sa eskuwelahan.
Napansin lang natin na tila para sa kapakanan ng mga colleges at universities ang palaging nabibigyang-pansin. Puro pro-increase gayung karapat-dapat namang iniintindi rin ang kalagayan ng ating mga estudyante, lalo na ang kanilang mga magulang.
Kahit online classes lang ang mga ‘yan, hindi natin masasabing mababa rin ang gastusin dahil ang nabago lang ay ang face-to-face classes kung saan pamasahe ang nawala sa gastos.
Pero kung tutuusin sa online classes, mas magastos dahil WiFi ang gamit at kuryente sa bahay. Bukod pa riyan ang mga assignment o paper works at projects ng mga unibersidad. Take note, pandemic ngayon, maraming magulang ang nawalan ng trabaho.
Palaging isang side lang ang naaalala. Napakahalagang maging edukado ang mga Pilipino. Ngayong may pandemya, it’s about time na lingunin ang kalagayan ng mga magulang at estudyante.
Remember, ang edukasyon ay hindi dapat prebilehiyo, kundi ito’y karapatan ng bawat Pilipino. Pero dahil sa kahirapan, marami ang tumitigil sa pag-aaral.
In our very own way, karapat-dapat lang na matulungan sila. Kaya naman, IMEEsolusyon, eh, plis, CHED, kung may guidelines kayo para sa resonableng pagtaas ng matrikula, marapat lang na magkaroon din kayo ng guidelines para sa pagbaba ng tuition fee. Agree?
Comments