top of page
Search
BULGAR

Mas mabigat na parusa vs. scammer ng OFW

by Info @Editorial | Jan. 14, 2025



Editorial

Isa ang overseas Filipino workers (OFWs) sa mga matatag na haligi ng ekonomiya ng Pilipinas. 


Ang kanilang sakripisyo at pagsisikap sa ibang bansa ay hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi para na rin sa pagpapaunlad ng bansa. 


Subalit, kasabay ng kanilang tagumpay at ambag sa lipunan, ay ang lumalalang banta ng mga scam na naglalayong pagsamantalahan ang kanilang hirap. 


Ang mga scammer ng OFW ay may iba’t ibang modus. Isa na rito ang mga pekeng recruitment agencies, investment schemes at mga fake online job offers. 


Kaya mahalagang bigyan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapanagot sa mga scammer ng OFW. 


Ang mga ganitong uri ng krimen ay hindi lamang pagnanakaw ng pera, ito’y isang paglabag sa karapatan ng mga manggagawang Pinoy. 


Kapag napag-iwanan at naging biktima ng mga scammer, maraming OFW ang mawawalan ng tiwala sa mga institusyon, at magiging dahilan ito upang magduda sila sa mga legal na proseso. 


Sa ngayon, isinusulong ang panukalang batas na maging Overseas Filipino Worker Protection Against Fraud Act of 2025.


Sa ilalim nito, hindi bababa sa P10 milyon ang multa at 20 taon hanggang habambuhay na kulong sa sinumang mapatutunayang guilty sa panloloko sa mga OFW.


Bukod sa pagpapanagot sa mga scammer, kailangan din ng mga konkretong aksyon upang maprotektahan ang mga OFW mula sa mga panlilinlang. 

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page