top of page
Search
BULGAR

Mas maayos na sistema sa pagbabakuna

@Editorial | July 26, 2021



Umulan, bumaha kahit lumindol, hindi nagpatinag ang mga gustong magpabakuna kontra-COVID-19.


Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, may mga nagtitiis sa pila, 'yung iba, halos doon na rin natutulog.


Kaya inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na hanapan ng solusyon ang problemang kinahaharap ngayon ng mga nais magpabakuna.


Ayon pa sa Pangulo, kung titingnan, “common sense” lang naman aniya ang kailangan para masabing mali na hayaang pumila ng maaga ang publiko, pabayaan na maulanan at magtampisaw sa baha, at maging exposed sa iba’t ibang uri ng sakit, tulad ng leptospirosis at trangkaso.


Tama naman na para maiwasan ito, kailangang ikonsidera na rin ng mga LGUs ang lagay ng panahon at alternatibong lugar kung saan maaaring idaos ang pagbabakuna kapag magkaroon man ng aberya tulad ng pagbaha.


Napag-alamang sa ibang bansa ay talagang nagkakaroon ng kaguluhan o riot dahil sa agawan sa bakuna. Ito ang dapat nating iwasan.


Ngayon pa lang ay ayusin na ang sistema, bigyang-solusyon ang mga problema at palaging maging handa sa mga posibleng aberya.


Inaasahan naman ang kooperasyon at disiplina ng mga nagpapabakuna. Palagi tayong sumunod sa mga panuntunan para iwas-gulo.


Huwag tayong mag-panic na baka maubusan ng supply sa halip magtiwala tayo na palaging gumagawa ng paraan ang gobyerno na magtuluy-tuloy ang pagbabakuna.


Malalampasan din natin ang pandemya.

0 comments

Recent Posts

See All

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page