top of page
Search
BULGAR

Mas maayos na pamimigay ng ayuda, ayos!

@Editorial | August 22, 2021



Patuloy ang pamimigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maipamamahagi hanggang sa deadline ang ayuda, partikular sa mga residente ng National Capital Region (NCR).


Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na quarantine protocols matapos makapasok sa bansa ang mas nakahahawang COVID-19 na Delta variant.


Sa ngayon, nasa 60 percent na ayuda na umano ang naipamahagi at inaasahang maibibigay na lahat sa loob ng limang araw o bago ang deadline sa Agosto 25.


Samantala, taliwas sa mga nagdaang distribusyon ng ayuda na magulo, masasabi umanong wala namang napaulat na super spreader event.


Kumbaga, naging mas sistematiko ang pamamahagi at disiplinado ang mga kumukuha.


Ito naman talaga ang nais nating mangyari sa tuwing may itinatawid na tulong sa taumbayan, ang maging maayos at maiwasan ang dagdag-problema sa gitna ng pandemya.


Malaking bagay talaga na nakikita at tinatanggap natin ang mga sablay sa nakaraan at ginagawan natin ng paraan upang maitama.


May ibang LGUs na mix ang ginagawang pamamaraan ng pamamahagi ng ayuda, ito ay sa pamamagitan ng electronic payment gamit ang G-cash at sa pamamagitan ng personal pamamahagi mismo sa mga indibidwal.


Ang iba ay house-to-house na ang ginawa para maiwasan ang kumpulan sa lugar kung saan ibibigay ang ayuda.


Sa huli tayo rin naman ang makikinabang.


Pakiusap naman sa mga benepisaryo, anumang halaga ang matanggap, gamitin natin ito para sa ating pamilya.


Wala na sanang mahuli na ginamit sa sugal, alak o anumang bisyo ang ayuda.


Mapalad tayong may napaghuhugutan ng pondo o may mabubuting puso na umaalalay sa atin.

0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page