ni Angela Fernando @News | Nov. 6, 2024
Photo: Presidential Communications Office
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules na ilulunsad ang Updated Bicol River Basin Development Project (BRBDP) sa susunod na taon (2025).
Sinabi ito ni Marcos Jr. sa Fuerte CamSur Sports Complex sa Pili, Camarines Sur, kung saan nanguna siya sa pamamahagi ng tulong sa mga sektor na apektado ng iniwang resulta ng bagyong Kristine.
Kinumpirma niya na natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-update ng masterplan at feasibility study ng programa nu'ng Hulyo. Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang detalyadong disenyo ng proyekto, na inaasahang ipatutupad sa unang quarter ng 2025.
Inatasan din ni Marcos ang DPWH, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga plano para sa BRBDP ay integrated at "future-proof" at siniguro niya ring ang mga gagamiting materyales ay kalidad