ni Angela Fernando - Trainee @News | January 3, 2023
Umabot ng bagong record high sa katapusan ng Nobyembre 2023 ang utang ng 'Pinas sa gitna ng pagpapataas ng pamahalaan ng mga lokal na pautang.
Ipinakita sa datos ng Bureau of the Treasury nitong Miyerkules ang balanse ng utang ng pamahalaan ng bansa nu'ng nagdaang Nobyembre 2023 na pumalo sa P14.51 trilyon.
Tumaas ito ng 0.19% mula sa P14.48 trilyon na naitala hanggang katapusan ng Oktubre 2023.
Ayon sa Treasury, ang pagtaas ng utang ng bansa ay dahil sa net issuance ng domestic securities.
Comments