top of page
Search
BULGAR

Mas ‘inclusive’ na estratehiya, kailangan ng mga PWD — CHR

ni Angela Fernando @News | Dec. 18, 2024



Photo: FP / PWD


Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Miyerkules para sa mas inclusive na estratehiya upang mapangalagaan ang karapatan ng mga taong may kapansanan o persons with intellectual disabilities (PWD) kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na muling kilalanin ang kanilang kakayahang magbigay ng testimonya sa korte.


Sa isang pahayag, binigyang-diin ng CHR na mahalaga ang paggamit ng inclusive na pamamaraan upang maipatupad ang reporma sa sistema ng hustisya at ma-integrate ang human rights-based perspective sa legal na balangkas.


Iginiit ng CHR na kinakailangan ito sa lahat ng aspeto ng lipunan upang ganap na kilalanin at igalang ang dignidad ng mga may kapansanan, kabilang ang pagbibigay ng mas maayos na oportunidad para sa edukasyon, trabaho, at social protection.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page