top of page
Search
BULGAR

Mas gusto pang magbakasyon kesa dalawin ang pamilya… KC, WA' PAKI SA MGA EMOTE NI SHARON, DEADMA!

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 12, 2020




Samantala, may ilang showbiz insiders ang nakakapansin na mukhang hindi na naman daw nag-uusap ngayon ang mag-inang Sharon at KC Concepcion.


Nagtataka ang ilang mga friendship namin sa showbizlandia kung bakit mas inuna pa raw magbakasyong mag-isa ni KC sa isang private resort-farm sa Batangas kesa dalawin ang kanyang mommy dearest at mga kapatid nu'ng nag-GCQ (General Community Quarantine) na ang Metro Manila.


At nito ngang mamatay ang dating biyenan ni Mega na si Mrs. Baby Arellano na mudra ni Gabby Concepcion, tipong huling-huli sa balita si Sharon sa pagkamatay ng lola ni KC samantalang agad-agad namang ipinost ng aktres ang pagpanaw ng kanyang lola sa kanyang Instagram account.


May mga nakapansin ding deadma si KC sa mga isyung pinagdaanan ni Sharon nitong mga huling buwan tulad nang makaaway ng kanyang ina ang dating kaibigang reporter na nanira sa kanilang dalawa, gayundin nang bastusin ang half-sister niyang si Kakie Pangilinan dahil sa pagpapahayag nito ng saloobin hinggil sa issue ng rape.


Bakit daw kaya mas gusto pang mag-solo ni KC kesa damayan ang kanyang pamilya, lalo na ang mudrang si Megastar, ngayong panahon ng pandemic?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page