top of page
Search
BULGAR

Mas bet si Cedric Juan… SOLID FANS NI KATHRYN, AYAW KAY ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 1, 2024




                                                                 

Binati kahapon si Kathryn Bernardo ng kanyang solid fans ng “Maligayang Araw ng Kalayaan” dahil kahapon ang anniversary ng breakup nila ni Daniel Padilla.


Wish ng mga fans ng aktres, hindi na uli siya umiyak halimbawang makipagrelasyon uli dahiil hindi raw niya deserve masaktan.


May mga umaasang si Alden Richards na sana ang mahalin ni Kathryn, pero hindi nila ito ipe-pressure. Kung talagang hanggang magkaibigan lang ang relasyon nila, rerespetuhin ito ng KathDen fans. 


Pero, looking forward ang mga fans na magkasama ang dalawa sa Christmas at New Year at sa birthday ni Alden sa January 2, 2025. 


Matupad kaya ang wish ng KathDen fans?


Alam ng KathDen fans na may solid fans si Kathryn na ayaw si Alden para sa kanya at ngayon, tapos at kumita na ang Hello, Love, Again (HLA), sana raw, makita naman nila si Kathryn na iba ang kasama. May pa-hashtag pa nga sila na #FreeKathrynFromAlden na sinagot ng fans ni Alden ng #FreeAldenFrom KathrynsToxicFans.


May mga aktor na isina-suggest ang ilang fans ni Kathryn na gusto nilang makasama sa next project nito, gaya ni Cedric Juan na bet nilang makasama ng aktres sa gagawin nitong Elena 1944.


Anyway, nasa Dubai si Kathryn sa breakup anniversary nila ni Daniel Padilla at ang mom nitong si Min Bernardo ang kasama. Si Daniel naman ay may mediacon for Incognito, pareho na silang masaya at nakapag-move on.


 

Kobe, 'wag daw sanang ma-turn-off… 

KYLINE, AMINADONG ‘DI MARUNONG MAGLUTO 



Tanong ng mga fans, hindi raw ba na-turn-off si Kobe Paras sa reaction ni Kyline Alcantara na, “Hindi nga ako marunong magluto?” 


Wish kasi ni Kobe na sa Pasko ay ipagluto siya ni Kyline. 

Sabi pa nito, “Sana kahit ano’ng lutuin ni Ky.”


Paano ‘yan at hindi nga marunong magluto ang Shining Inheritance (IS) star? 

Nabahala tuloy ang mga fans nila at sana raw, hindi maging dahilan ‘yung hindi marunong magluto si Kyline para tumabang ang sweet relationship nila.


Hindi naman “fancy dish” ang wish ni Kobe, kaya okey na siguro kahit fried egg na lang, na for sure, alam lutuin ni Kyline.


Nabanggit naman ni Kobe na kung hindi niya makakasama ang family niya sa Pasko, si Kyline at ang pamilya nito ang makakasama niyang mag-celebrate.


Hindi papayag ang parents ni Kyline na magutom si Kobe lalo na sa Pasko, kaya for sure, maghahanda sila. Mas bongga kung tutulong si Kyline sa pagluluto para kahit doon, matuwa si Kobe.


Saka, kabilang sa wish nina Kobe at Kyline na handa sa Pasko ay lumpiang shanghai, lechon, bopis, at pancit. Ang lechon, mabibili sa mga litsunan, ang pancit, bopis at lumpiang shanghai na lang ang lulutuin ni Kyline and her family.


Anyway, hindi na nga naghihiwalay sina Kyline at Kobe at madalas silang magkasama sa mga kasosyalang launching ng international brand. May endorsement na rin silang magkasama, hintayin natin ang launching.   


 

MAY Facebook (FB) post si Ms. Nessa Valdellon tungkol sa Lost Sabungeros (LS) at kung bakit hindi muna mapapanood sa mga sinehan ang nasabing pelikula.

Pahayag niya, “It never ends. LOST SABUNGEROS applied for MTRCB review- so it can be screened on television and in select commercial cinemas. But the MTRCB will still not review us due to concerns about sub judice. They were kind enough to explain the next steps in this process, however. We will comply and hopefully get our rating someday. Meanwhile, grateful for the schools that invited the docu for special screenings. (With our director Bryan, producer Tolits and legal counsel Atty. Viney.”

Kaya habang hindi pa puwede sa commercial release, sa mga schools muna napapanood ang LS. Isa ang pelikula sa mga ipinalabas sa UP Los Baños at parte sa Pelikultura: The Calabarzon Film Festival.

Nagkaroon ng talkback after the screening of the movie with some of the team na gumawa sa pelikula. Pinasalamatan ng GMA Pictures ang mga Iskolar ng Bayan sa UPBL na nanood ng movie.

Noong isang araw, sa UP Film Institute sa UP Diliman naman ipinalabas ang docu-film. Sinundan ng talkback session hosted by Howie Severino. Present si Direk Bryan Brazil at ilang kaanak ng mga nawawala pa ring mga sabungero.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page