ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 14, 2021
After na hindi na naman nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na patulan ang isang basher na nag-comment sa IG post niya kung saan humihingi siya tulong para sa mahihirap nating kababayan at binara siyang “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado, 'yung walang camera, ha…” isang pampa-good vibes na post naman ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang mga followers dahil isiniwalat niya ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor.
Kasama ang photo at may caption na: “OKAY OKAY I HAVE A NEW “CRUSH!” In L.A. I binged on everything Cha Eun Woo. But now I am super fixated on PARK HYUNG SIK! Lahat na yata pati videos niya with his former boy band, napanood ko na!
“But paulit-ulit kong pinapanood ang STRONG GIRL Bong SOON kasi doon ang favorite kong role niya! Pampasaya talaga! Also loved him in the movie JUROR 8! He was critically acclaimed for his performance there too!”
Kuwento pa ni Mega, “When I told Kakie about Cha Eun Woo, sabi agad niya, 'Mom!!! He’s only three years older than me!' Hahahahahaha! 'Kala mo naman, magiging stepfather niya kung rumeact! Sabi ko, 'Why ba?!!! It’s not like I’ll boypren or marry him! I crush him lang, relax!' Hahahaha!
“Ito namang si Hyung Sik, Nov. 16, 1991 ang birthday. Eh, mag-uumpisa na ang shooting ng Maging Sino Ka Man noon in less than 2 months at kaka-break lang namin ng boyfriend ko nu'n! Ngek! Bakit ba, basta he’s my crushie now. Read my bio he’s been there for a while now too! I don’t choose my crushes by age, do you?
Pero ipinagdiinan niya na, “I still love Keanu and Antonio Banderas! Basta for now, Park Hyung Sik!!! Sabi nga sa Korea, “FIGHTING!” Hahahaha! GV only!”
Anyway, bukod sa Strong Girl Bong-soon (2017), naging bida rin si Hyung Sik sa K-drama na High Society at She Was Pretty noong 2015 at sa Hwarang nu'ng sumunod na taon.
Huling drama series nito ang Suits (2018) na ipinalabas ang Tagalized version sa Kapamilya Channel sa taong ito.
Nagsimula ang mandatory military service niya noong June 10, 2019 and officially na-discharge siya sa military service last January 4, 2021.
And soon, muli siyang mapapanood sa Happiness Youth at Climb the Barrier.
Going back to Sharon, after a week, number one pa rin sa Vivamax ang Revirginized na mula sa Viva Films.
Ang Vivamax movie ay streaming na sa Middle East & Europe, Japan, Malaysia, Hong Kong at Singapore.
Sa August 27, puwede na rin itong mapanood ng mga Cignal subscribers.
Ang Revirginized na mula sa direksiyon ni Darryl Yap ang kauna-unahang Pinoy movie na mapapanood ngayong 2021 sa selected US and Canada cinemas simula kahapon, August 13.
Comments