ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 23, 2024
Photo: Robbie Jaworski, Mikee at Kim Chiu - IG
Star Magic talent na ang eldest son ng dating aktres na si Mikee Cojuangco at ni Pasig Vice-Mayor Dodot Jaworski na si Robbie Jaworski.
Pormal nang pumirma kahapon ng kontrata sa talent management ng Kapamilya Network ang guwapong binata at winelkam siya nina ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes at Star Magic Head Laurenti Dyogi kasama ang manager ni Robbie na si Ms. Girlie Rodis at handler na si Monch Novales.
All-out support din ang parents ni Robbie at younger brother na si Rafael sa kanyang pagpasok sa showbiz.
Ayon nga kay Robbie, thankful siya sa parents na suportado siya sa gusto niyang gawin kahit pa maging banker ang pangarap sa kanya ng ama.
Si Robbie naman, maging presidente pala ang unang dream pero nang alukin ni Ms. Monch na mag-PBB nu'ng 14 yrs. old siya, naging curious daw siya at naisip na i-try nga ang showbiz.
Pero ang kondisyon ng parents niya ay tapusin muna ang pag-aaral kaya ngayon pa lang niya papasukin ang showbiz.
Bilang first project ni Robbie ay magiging part siya ng MYX VJs at gusto rin daw niyang subukan ang acting bukod sa hosting.
When asked kung sino sa mga love teams ang gusto niya sakaling magiging third party siya, pinili niya ang DonBelle dahil naging schoolmate at friend daw niya si Donny Pangilinan.
At nang matanong kung sino naman ang Showbiz crush niya, walang kiyeme niyang inamin na type niya sina Kim Chiu at Maris Racal.
Gusto raw niya ang pagiging energetic and bubbly ni Kim at ang kakaibang ganda at lakas ng dating ni Maris Racal na napanood niya sa Can't Buy Me Love.
Naku, ha, mukhang may tulog si Paulo Avelino kay Robbie na mas bata na, matalino at napakasipag pa raw dahil bukod sa showbiz, isa rin pala siya sa mga managers sa bangko na pag-aari ng ama.
Well, abangan natin ang mga TV appearances and guestings ni Robbie Jaworski ngayong parte na siya ng Star Magic family.
Produ ng movie, nagsalita na…
PAMBA-BASH KAY NADINE DAHIL SA ONLINE CASINO, SINADYA
Ipinagtanggol ng Mentorque Productions producer na si Bryan Diamante ang controversial ngayong cast ng Uninvited na si Nadine Lustre sa mga namba-bash dito dahil sa pagiging endorser ng online casino.
Nakausap namin si Sir Bryan after ng engrandeng mediacon ng Uninvited na ginanap sa Solaire North na dinaluhan ng major cast na sina Vilma Santos at Aga Muhlach kasama si Nadine.
Hiningi namin ang reaksiyon niya sa pamba-bash ngayon ng ilang netizens kay Nadine.
Ani Sir Bryan, “Alam n'yo, guys, hayaan n'yong magtrabaho ‘yung mga tao. Ang tatanda n'yo na, alam n'yo na ang tama o mali. Lahat kami naghahanapbuhay. And it's too much. They're humans too.”
Hindi naman daw sa hindi naaapektuhan si Nadine sa mga banat sa kanya pero ipauubaya na raw niya ‘yun sa aktres.
Sa tanong kung ‘di ba siya worried na maapektuhan ang promo ng Uninvited ng pamba-bash kay Nadine, sagot ni Sir Bryan, “‘Di ako worried. May tsismis pa nga, tinitira, sinasadya, eh. Haaaaaaaa!!!” sabay tawa nang malakas ng very friendly na producer at humirit ng “Joke lang! Baka mamaya, ‘yun ang banner. Hahaha! Joke lang, joke lang!”
Naku, feeling din naman talaga namin, may mga tumatrabaho para siraan si Nadine dahil ang dami namang wholesome celebs na nag-endorse rin ng online casino, bakit kay Nadine lang OA ang mga banat nila, ha?
Anyway, tiyak na mas mamamatay sa inggit ang mga G na G kay Nadine ngayon dahil bukod sa nakasama niya sina Ate Vi at Aga sa Uninvited, marami ring nagsasabing mas magpapaangat sa career ni Nadine ang role niya sa MMFF entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects na ipapalabas na sa Dec. 25 mula sa direksiyon ni Dan Villegas.
Opmerkingen