top of page

Maruming tubig, babala ng kamalasan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2024
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 14, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreta ng Tiaong, Quezon.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang tubig. Totoo ba na pera ang ibig sabihin nito?


At makakahawak na ba ako ng malaking halaga?


Napanaginipan ko rin na madalas akong naglalakad sa kalsada. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Loreta

Sa iyo, Loreta,


Depende sa tubig ang kahulugan ng panaginip mo. Kung madumi ang tubig, ito ay babala ng kamalasan, may posibilidad na magkasakit ka. Kung malinaw naman ang tubig, ito ay nagpapahiwatig na magiging maayos na ang kabuhayan mo. Malulutas na ang mga problemang bumabagabag sa iyo. Giginhawa na ang pamumuhay mo hanggang sa tuluyan ka nang suwertehin. 


Samantala, kung ang kalsadang nilalakaran mo ay baku-bako at masukal, ito ay tanda na maraming magiging sagabal sa plano mo. Daranasin mo ang iba’t ibang klase ng problema. 


Kung maganda ang kalsada, malinis at hindi mabato, ito naman ay senyales na magtatagumpay ka sa mga adhikain mo sa buhay, at matutupad lahat ng iyong pinapangarap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


1 Comment


Nora Alberto
Nora Alberto
Dec 02, 2024

Good morning po, ano pong ibig sabihin ng malinis n tubig s panaginip k po, at lagi din aq nananaginip ng mga baka n magaganda at malalaki, ganun din po mga baboy n pinapakain k p daw ang mga baboy, nilulutuan k pa daw ng pagkain ang mga baboy, minsan din po mga pagkain ang mga napapanaginipan q, ano pong mga ibig sabihin ng mga panaginip kung ito, november 20 1971 po ako pinanganak, salamat po

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page