top of page

Mark, todo-deny na nagbantang susunugin ang bahay niya… “SA KORTE LALABAS ANG KATOTOHANAN” — JOJO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 7, 2025



Photo: Jojo Mendrez at Mark Herras - FB The Real Jojo Mendrez


Pagkatapos mag-file ng blotter report sa Police Station 10 sa Kamuning, Quezon City, pormal nang nagsampa ng reklamo ang businessman/singer na si Jojo Mendrez laban sa aktor na si Mark Herras sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Biyernes, Abril 4.


Ito'y kaugnay nga ng unang ibinulgar ng tinaguriang Revival King na pinagbantaan siya ni Mark na susunugin ang kanyang bahay kapag nawala ito sa team niya.


Ito ang mga nasabi ni Jojo Mendrez pagkatapos magsampa ng reklamo, “Ako ‘yung victim, eh. Ako talaga ang nasira totally. Hindi ko maipaliwanag sa lahat kung ano ang totoong sitwasyon. 


“Mahirap kasi ‘yung nag-a-accuse tayo na hindi alam ng tao ang katotohanan. Sa korte lalabas ang katotohanan.”


Ito naman ang pahayag ng abogado niyang si Atty. Chiqui Advincula, “Hindi pa ako comfortable as of this time. Ipinagpapasa-Diyos na namin sa prosecutor’s office ang imbestigasyon at sana ay magsagawa sila ng nararapat na proseso sa kaso.”  


Simula noon, ayon kay Jojo, nahirapan na siyang matulog dahil sa banta ni Mark Herras at hindi na siya makadalo sa mga events at konsiyertong imbitado siya. Pati ang mga negatibong komento sa social media ay dagdag na pasanin para sa kanya.  


“Ang dami kong pinagdaanan, ang hirap ng pinagdaanan ko, bugbog-sarado ako sa social media, ang daming mga salita na hindi ma-accept sa sarili ko. Kasi hindi naman ako sanay sa ganito. Ordinaryong tao lang ako. Sana through this court, lumabas ang justice at malaman ng tao ang katotohanan,” hinaing niya.


Samantala, sa social media post, pinabulaanan ni Mark Herras ang mga akusasyon laban sa kanya ni Jojo Mendrez.


 

DUMATING sa Manila ang Kapamilya actress-host na si Anne Curtis at ang kanyang pamilya mula sa It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) upang dumalo sa ABS-CBN Ball 2025 noong Biyernes at babalik din sila agad sa kanilang shooting location sa Sabado.  


Ayon kay Anne, mahalaga sa kanya na hindi makaligtaan ang ball ngayong taon.  

“Aside from the glitz and glam there’s a bigger purpose behind this ball right? So I really want to be part of it. There's so much meaning and of course there's so much more behind it than just being beautiful and glamorous,” pahayag ni Anne Curtis, na suot ang isang Nicole + Felicia creation.  


“I want to be part of it to support the Kapamilya and ABS-CBN Foundation,” dagdag pa ni Anne.  


Noong nakaraang taon, ini-announce na si Anne Curtis, kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino, ang magiging bida sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na IOTNBO.


Sa serye, gaganap si Anne bilang si Emilia ‘Mia’ Hernandez, habang si Joshua naman ay gaganap bilang Patrick ‘Patpat’ Gonzales. Si Aquino naman ay magiging si Matthew ‘Matmat’ Gonzales, kapatid ni Patpat.  


Ang seryeng ito ang pagbabalik-teleserye ni Anne. Huling napanood si Anne sa Dyesebel noong 2014. Noong 2016, nagkaroon din siya ng appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano (BQ).


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page