top of page
Search

After lait-laitin sa cheating scandal nila ni Anthony… MARIS, TODO-DISPLEY NG PUWET SA BEACH

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 9, 2025



Photo: Maris Racal - Instagram


May bago na namang pinagpipiyestahan ang mga fans and bashers ni Maris Racal.

Matapos ngang pag-usapan ang pagtakbo ni Maris sa Baguio nang naka-two-piece sa seryeng Incognito at ang daring at intimate scenes nila ni Anthony Jennings sa Netflix movie na Sosyal Climbers, may bagong pasabog na naman ang Kapamilya actress.


This time, nag-post si Maris ng video clip sa kanyang Instagram account kung saan makikitang naglalakad siya sa beach suot ang skimpy two-piece bikini.


Naghe-hello ang kaseksihan ni Maris at wala talaga siyang paki na isinampal sa kanyang mga bashers ang mapipintog niyang wetpaks na kitang-kita ang mga pisngi habang naglalakad siya.


Grabe talaga ang transformation at ‘resbak’ ni Maris matapos nga ang kinasangkutan nilang cheating scandal ni Anthony Jennings dahil matapos siyang halos ‘hubaran’ ng mga bashers sa mga banat sa kanya, heto't literal na siyang naghuhubad sa social media at parang ipinagsisigawan na “Ano pa ba ang dapat kong ikahiya?” at “Sige, mamatay kayo sa inggit!”


Ewan kung advice ba ito ng kanyang management team o personal na desisyon lang ni Maris ang maging parang “woman of the world” ang peg, basta ang alam namin, bongga siya at nananampal ang resbak niya.

Hahaha!!!


 

GInagawa raw sugar mommy ng mga bagets…

IVANA, UMAMING MAS GUSTO NG MATATANDANG LALAKI



TWENTY-EIGHT years old na ang sikat na sexy vlogger na si Ivana Alawi at kahit ‘di nito aminin, obviously ay super rich na niya at puwedeng-puwede na talagang mag-asawa.


Kaya naman curious ang mga press people sa ibinigay na thanksgiving party ni Ivana last Friday kung kelan na ba siya mag-aasawa.


Inurirat nga ang love life ni Ivana at pag-amin nito, marami siyang suitors pero mas gusto raw niyang non-showbiz.


Ang katwiran niya kung bakit ayaw niya ng taga-showbiz na dyowa, ‘di raw niya kering makita na nakikipaghalikan ito sa iba, although siya ay ginagawa naman ‘yun bilang aktres.

Kaya kinantiyawan tuloy si Ivana ng press na double standard pala siya at natawa lang ito.

Inamin din ni Ivana na mas gusto niya sakaling magka-boyfriend siya ang mature guy. Ayaw na raw niya sa mga bagets o kaedad niya dahil may experience siya na nakipag-date, tapos siya pa ang pinagbayad.


“Ang bata ko naman para maging sugar mommy, ‘no?!” baklang-bakla pang hirit ni Ivana na in fairness, ngayon lang namin nakausap nang medyo matagal pero ramdam namin talagang wala siyang ere at ‘di feeling-sikat.


At kahit pa sexy ang image ni Ivana, nilinaw nitong traditional type pa rin siya at hindi easy to get. Mas gusto raw niya ‘yung nililigawan siya, mahaba ang getting to know stage at inaalam muna talagang mabuti ang ugali ng isang lalaki.


Tinanong din namin si Ivana kung iiwanan na ba niya ang showbiz sakaling mag-asawa na siya.


“Hindi ko kaya,” sabay malakas na tawa.


Dapat daw ay tanggapin ng kanyang magiging dyowa kung ano siya at ang kanyang trabaho at maintindihan na marami siyang obligasyon, hindi lang ang kanyang pamilya kundi maging ang mga tinutulungan niya.


Well, sino nga kaya at kelan darating ang mapalad na prince charming ni Ivana Alawi?


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page