top of page
Search

Pati sa car, paulit-ulit nag-sex… MARIS AT ANTHONY, TODO-BIGAY SA HALIKAN, HUBO’T HUBAD DING NAG-SWIMMING

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 4, 2025



Photo: Maris at Anthony sa Sosyal Climbers

 

Number 1 sa Top 10 Movies in the Philippines sa Netflix ang latest film nina Maris Racal at Anthony Jennings na Sosyal Climbers.   


Sa kabila ng matinding pamba-bash sa social media kina Maris at Anthony nang mabulgar ang kanilang ‘cheating scandal’, ang dami pa rin namang nanood ng kanilang movie, thus making it the No. 1 film nga ngayon sa online streaming app.


At nakakalokah, parang it worked to their advantage pa, dahil nang mabulgar na nga na hindi lang pala pang-“reel” ang kanilang relasyon kundi pang-“real” na, obviously ay mas itinodo nina Maris at Anthony ang kanilang mga “galawan” sa mga intimate scenes nila sa Sosyal Climbers.


Kung nasundan mo ang mga kumalat na “private convo” sa pagitan nina Maris at Anthony nu’ng ibulgar na nga ng ex ng aktor na si Jam Villanueva ang secret affair ng magka-love team lang noon, maiisip mo na napakanatural ng mga ginawa nilang love scenes sa movie at wala nang effort, parang mabi-visualize mo na lang kung ano’ng ginagawa nila in real life.


O, ‘di kaya “humugot” lang ang director ng Sosyal Climbers na si Jason Paul Laxamana sa mga “totoong trip” o “ganap” nina Maris at Anthony like ‘yung paulit-ulit nilang pagse-sex sa car bago pa sila naging opisyal na magdyowa, pagsu-swimming nang hubo’t hubad sa pool at halikang pang-marathon, at isinapelikula na nga lang dahil talaga namang nakakalokah ang mga ganu’ng eksena na magpakatotoo na tayo, for sure ay maraming real-life couples din ang naka-relate?! Hahahaha!


Pero in fairness talaga sa dalawa, isumpa man sila ng buong mundo, hindi maipagkakailang nagmumura ang lakas ng kanilang chemistry dahil pareho silang mahusay umarte at natural na natural na nga ang datingan.


‘Di na kami magtataka kung after this movie, may mga kasunod pang gagawin ang MaThon.


 

‘Di raw marunong mag-hello man lang…

IVANA, NAKATIKIM KAY DIREK GINA



NAMURA pala ni Direk Gina Alajar si Ivana Alawi noon.


Sa isang vlog ni Ivana kasama ang Kapuso actress na si Barbie Forteza, habang sarap na sarap silang kumakain ng crab sa isang kainan sa Cubao, QC, naikuwento ng sikat na vlogger na sobrang mahiyain talaga siya. Ito’y sa kabila ng pagiging madaldal ni Ivana sa kanyang mga vlogs, ha?


Kuwento ni Ivana, "Tinawag talaga ako ni Direk Gina Alajar, 'Ikaw, halika nga dito, hindi ka marunong mag-hello at makipagtsikahan sa amin.’”


Mukhang nangyari ito sa isang taping kung saan naging artista siya ni Direk Gina.

Nag-sorry naman daw si Ivana at umiyak na lang nang umiyak pagkatapos nu’n.


Hindi ‘yun makakalimutan ni Ivana dahil si Direk Gina raw ang unang nagmura sa kanya. Pero kahit namura na siya nito, hindi pa rin daw nawala ang pagiging mahiyain ni Ivana at nu’ng nagkita raw sila sa StarStruck, hindi pa rin daw siya okay.


Hahaha! Baka need pa ni Ivana ng isang mas matinding mura para mawala na talaga ang hiya niya? Char!


 

HINDI man madalas makita ngayon sa TV sina Jason Abalos at JC de Vera, bising-busy naman pala sila sa pagtulong sa kampanya ng Ang Probinsyano Partylist (APPL) kung saan first nominee si Rep. Alfred "Apid" Delos Santos.

Last Feb. 11, 2025 kung saan sabay na ginanap ang motorcade sa Batasan, Quezon City at Apas, Cebu City, masigla ang naging pagsalubong ng mga tagasuporta na nagtipun-tipon upang makiisa sa adbokasiya ng APPL na dinaluhan din nina Jason at JC.

 

Matagal nang kilala sina Jason at JC hindi lang sa kanilang husay sa pag-arte kundi pati na rin sa kanilang pagiging tagapagtanggol ng mga programang pangkawanggawa.


Bilang tagasuporta ng Ang Probinsyano Partylist, inilahad nila ang kanilang paniniwala sa misyong itaguyod ang mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino, lalo na sa mga nasa malalayong probinsya. Ang kanilang presensiya sa mga motorcade ay nagbigay ng inspirasyon at sigla sa mga dumalo.


Sa Batasan, Quezon City, naging malaking pagdiriwang ang motorcade sa temang Mardi Gras. Dumagsa ang mga tagasuporta, kabilang ang LGBT community, na nagpakita ng suporta sa inklusibong programa ng APPL. Ang musika, sayawan at makukulay na kasuotan ay nagbigay ng kasiyahan sa kaganapan, kung saan tampok si Jason bilang special guest.


Sa Apas, Cebu City naman, isang masiglang street party ang naganap na may kasamang Sinulog artists at street dancers at doon dumalo si JC upang makiisa sa pagdiriwang.


Ang ganitong selebrasyon ay patunay ng pangako ng APPL na palakasin ang lokal na kultura at turismo, bagay na sinusuportahan din ni Jason.


Pinasalamatan ni Cong. Apid ang lahat ng sumuporta at nagpakita ng pagkakaisa sa mga isinagawang motorcade.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page