ni BRT | May 13, 2023
Inihain ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 2nd district Representative Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang batas na naglalayong payagang gamitin ang marijuana bilang gamot.
Sa ilalim ng House Bill 7817 tanging ang mga “debilitating medical conditions” tulad ng cancer, glaucoma, multiple sclerosis, epilepsy, HIV/AIDS, post-traumatic stress disorder, at rheumatoid arthritis ang papayagang makagamit ng gamot na marijuana.
Gayunman, hindi umano sila papayagang magkaroon nito o gawin itong panigarilyo.
Para naman maiwasan ang pag-abuso, ang mga physicians na nakarehistro lamang sa DOH ang maaaring mag-issue ng certificate para sa paggamit nito ng isang pasyente.
Hindi naman puwedeng mag-issue ang physician sa kanyang sarili maging sa mga kamag-anak hanggang sa fourth civil degree of consanguinity o affinity.
Comments