top of page
Search
  • BULGAR

Mariano, asam ang unang gold sa Asia-Oceania Sambo

ni Gerard Arce @Sports | June 27, 2024



Sports News

Macau, China - Sa malawak na karanasan sa combat sports, asam ni 2008 Beijing Olympics silver medalist Marianne Mariano na makamit ang kauna-unahang gold medal sa 2024 Asia-Oceania Sambo Championships kontra sa mga solido at powerhouse Samboist ngayong weekend dito sa Forum de Macau Stadium. 


Isa sa mga inaasahang national athlete na maaaring mag-uwi ng gintong medalya ang 35-anyos na Airforce Technical Sergeant na hinubog nang karanasan nang magsimula itong sumabak sa combat sports noong 16-anyos pa lang sa wushu sanda, kung saan naka-2 gintong medalya sa Southeast Asian Games, maging mga medalya sa Asian at World Championships.


Hindi matatawaran ang ginawang preparasyon at pagsasanay ng Tuba, Benguet native at MAPE graduate mula sa  San Jose Recoletos ng Cebu City, pagdating sa Sambo, isang Russian combat sport, na pinaghalong Judo Wrestling, at mixed martial arts, na pursigidong hinubog ang kaalaman sa palakasan upang mas lalong pag-igihan ang paghahanda laban sa mga bigating Samboist mula Mongolia, Uzbekistan at Kazakhstan, gayundin ang mahigitan ang 2 bronze medal sa magkasunod na taon noong 2022 at 2023. 


"Sobrang focus ako ngayon. Sobrang inaral ko iyong sport na ito, not only having my knowledge when it comes sa striking, nagdagdag rin ako ng arsenal ko about wrestling, judo and jiujitsu. Wider na 'yung knowledge natin how to play the game at kung paano ang gagawin ko, so that I will have a solid game plan," pahayag ni Mariano na gagawing basehan ang paghahanda sa Asian Indoor Martial Arts Games sa Nobyembre sa Bangkok, Thailand. 


"Sabi nga ng aming President na si sir Paolo (Tancontian) na don't aim for the diamond, aim for the gold kase may value ang gold," dagdag ni Mariano na nais ding makapagkuwalipika sa 2025 World Games, na maaaring makuha ngayong Asia-Oceania. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page