top of page
Search
BULGAR

Marian, tinawag daw na jejemon kaya nag-away…SIGAW NI VICE: SUPER-KADIRI!

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 3, 2022


Burado agad ang video clip na ipinost ni Unkabogable Vice Ganda sa kanyang Twitter account na galing sa balitang inere ng morning news program ng TV5.


Agad na pinag-usapan sa socmed ang ini-retweet na video clip ni Vice ukol sa report ng Frontline sa Umaga ng TV5 na nagkaayos na raw sila ng dating nakairingan na si Marian Rivera nu’ng magkita sila sa isang magazine ball recently.


Caption ng video clip sa account ng News5 na sinabi rin ng news anchor ng Frontline sa Umaga na si Gretchen Ho, “Natuldukan na ang isyung iringan nina Vice Ganda at Marian Rivera. Spotted kasing sweet na sweet sa isang party ang dalawa sa isang party.”


Ang entertainment news reporter ng TV5 na si MJ Marfori ang nag-report nito sa Frontline sa Umaga.


Ini-report ni MJ na ang pinagmulan ng “isyu” ay nu’ng okrayin daw ni Vice ang grammar ni Marian at tinawag itong 'jejemon'.


Inalmahan ito ni Vice at agad na inilabas ang sentimyento sa report sa kanyang Twitter account.


Tweet ni Vice, “Ha??????!!!!!!!!!!! Sa'n galing ang balitang 'to?????? Nagka-issue kami?


Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!”


Pero bago pa mabura ang ini-retweet na video clip ng News5 ay nag-comment ang news anchor ng morning show na si Gretchen.


Sinabi ni Gretchen kay Vice sa comment section na paiimbestigahan at ipapaalam niya sa kanyang producers ang tungkol dito.


Say pa ni Vice, “Super-kadiri 'yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! T*E!”


Pagkatapos ay ini-retweet ni Vice ang post ni MJ.


Sumagot naman si MJ ng “Also, hindi ko story ito. @vicegandako" bilang caption sa ipinost niyang tweet ni Gretchen kay Vice.


Sa sumunod na tweet ni Vice sa post ni MJ, nagparamdam na ng emosyon ang Unkabogable Star.

“Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nag-joke po ba?”


Naramdaman ni MJ ang reaksiyon ni Vice kaya nag-apologize siya.


“I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend."


Maraming laughing emojis naman ang inilagay na caption ni Vice sa ipinost niyang apology ni MJ.


So there.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page