top of page
Search
  • BULGAR

Marian, game ka na ba? FACE-TO-FACE NINA KARYLLE AT DINGDONG SA GMA GALA NIGHT, INAABANGAN NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 10, 2024



Showbiz News

Mas magiging maningning ang gaganaping 3rd GALA Night ng GMA Network sa taong ito. Bukod sa naglalakihang Sparkle stars, dadalo rin ang It’s Showtime hosts sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Jhong Hilario atbp..


Pero ang inaabangan ng marami ay kung dadalo si Karylle sa GMA GALA Night. Last year ay hindi sumipot si Karylle, kaya ginawan ito ng isyu. Hindi pa raw handa si Karylle na makaharap si Dingdong at hindi pa siya komportableng makita ang kanyang ex-boyfriend.


Kaya naman sa gaganaping 3rd GMA GALA Night, isa sa mga kaabang-abang ay kung dadalo na si Karylle. 


Ang GMA GALA Night ay unang ginanap nu’ng July, 2022 at nagsilbi itong fundraising event para sa Kapuso Foundation. Nasa pangatlong taon na ito ngayon at tiyak na magpapabonggahan sa kani-kanilang kasuotan ang mga Kapuso stars at ang mga It's Showtime hosts.


 

Shocked ang maraming fans nina Vilma Santos, Maricel Soriano, Kathryn Bernardo at Marian Rivera nang talunin nina Julia Montes and Charlie Dizon ang kanilang mga idolo sa pagiging Best Actress sa katatapos na 7th EDDYS Awards ng samahang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).


Nag-tie sina Julia at Charlie na parehong itinanghal na Best Actress. Si Julia ay lumutang nang husto sa kanyang role sa pelikulang Five Break-ups and A Romance, kung saan katambal niya si Alden Richards. 


Matagal na nagpahinga sa pag-arte si Julia, kaya nang nabigyan ng magandang role ay ibinigay na niya nang todo ang akting sa karakter na kanyang ginampanan sa Five Break-ups and a Romance


Ngayon niya pinatunayan sa lahat na kaya niyang pantayan ang husay ng mga senior stars tulad nina Vilma Santos, Maricel Soriano at ganu’n din sina Kathryn Bernardo at Marian Rivera. 

Mas malaking hamon ito para kay Julia Montes dahil sa expectations sa kanya.


 

Mas gusto raw kumita ang pelikula kesa sa award, pero… PIOLO, NANGINIG NANG MATANGGAP ANG BEST ACTOR TROPHY 


Piolo Pascual

Waging Best Actor si Piolo Pascual sa ginanap na 7th EDDYS Awards ng grupong SPEED. Pawang mabibigat na aktor ang nakalaban niya sa nasabing kategorya, pero si Piolo ang kinakitaan ng kakaibang galing sa pag-arte. 


Minsan nang natanong si Piolo noong presscon ng Mallari movie kung ano ang gugustuhin niya — ang magkamit ng awards ang Mallari o kumita ito sa takilya?


Bilang producer din, mas pinili ni Piolo na kumita nang malaki sa takilya ang pelikula ng Mentorque Productions ni Bryan Dy upang makapag-produce pa ng magagandang movies. 


Pero nang siya ang manalong Best Actor sa 7th EDDYS ay hindi siya halos makapaniwala at nanginginig pa nang tanggapin ang kanyang trophy.


Well, iba pa rin talaga ang pakiramdam ng isang aktor kapag nakatanggap ng pagkilala sa kanyang pagiging artista. 


Mula’t sapul ay hindi pinagdudahan ang galing umarte ni Piolo Pascual.


Nakaganap na siya sa iba’t ibang roles at patuloy pa rin siya sa pag-explore kung ano pa ang puwede niyang gawin sa kanyang mga future projects.


 

PAREHONG happily married sina Rafael Rosell at Benjamin Alves, kaya malabong ma-link sila kina Bea Alonzo at Carla Abellana na female lead stars sa seryeng Widows’ War.


Si Rafael ay kasal na sa kanyang long-time girlfriend na si Valerie Chia last April, 2020. Panahon 'yun ng COVID pandemic kaya na-cancel ang wedding ceremony.


Pero, itinuloy din ang kasal na walang entourage. 


Samantalang si Benjamin ay nu’ng January, 2024 lang ikinasal sa karelasyong si Chelsea Robato. Sa Europe sila nag-honeymoon at wala pa sa plano nila ang magkaroon ng baby.


Well, parehong magaling na aktres sina Bea at Carla kaya kailangang sabayan at pantayan nina Rafael at Benjamin ang kanilang mga leading ladies sa Widows’ War


Puro de-kalibreng artista rin ang kasama nila sa serye tulad nina Jean Garcia, Jackielou Blanco, Tonton Gutierrez atbp.. 


For sure, hindi papayag sina Rafael at Benjamin na matabunan sila sa aktingan.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page