ni Mylene Alfonso | April 20, 2023
Muling pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kahalagahan ng mga Filipino health workers.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital sa San Jose Del Monte, Bulacan, inihayag ni Marcos na nagpapasalamat sa kanya ang mga nakikilala niyang mga lider ng iba't ibang bansa dahil sa mga Pinoy health worker.
"Alam n'yo po, 'pag nakikipag-meeting ako sa lahat ng mga leader, lahat ng mga presidente, mga prime minister ng kahit saan, kahit sa Amerika, kahit sa Canada, kahit sa Europe, lahat, lahat nagtatanong -- puwede ba kaming kumuha ng workers, ng health workers sa inyo?" pagmamalaki ni Marcos.
"Dahil sa buong mundo, ang kauna-unahang hinahanap nilang health workers ay ang mga Pilipino at ang mga Pilipina," wika pa ng Pangulo.
"Kaya tayo naman, tayo naman ang naging beneficiary sa kanilang pagsakripisyo, ay dapat lagi tayong nagpapasalamat at kilalanin natin nang mabuti ang kanilang ginawang sakripisyo," ayon pa sa Pangulo.
Kommentarer