ni Jasmin Joy Evangelista | January 26, 2022
Inihayag ni presidential aspirant Bongbong Marcos na hindi siya maaaring gumamit ng ilegal na droga dahil marami siyang ginagawa sa kanyang buhay.
Sa isang panayam, tinanong si Marcos kung siya ba ay gumamit ng ipinagbabawal na gamot kahit noong ito ay bata pa.
Aniya, ang paggamit ng ilegal na droga ay para lamang sa mgataong walang ginagawa o walang trabaho.
“Hindi ako puwede sa ganiyan [illegal drugs]. Masyado akong maraming ginagawa,” ani Marcos.
“That kind of lifestyle, para lang ‘yan sa mga walang ginagawa, walang trabaho. If you expect to produce good work, hindi ka pwede sumailalim sa ganyang bisyo,” dagdag niya.
Ang isyu hinggil sa ilegal na droga ay naging usapin matapos akusahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon ang isang hindi pinangalanang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine.
Ang pahayag na ito ni Duterte ay nagtulak sa mga aspirants na sumailalim sa drug test.
Nagpakita si Marcos Jr. ng resulta ng kanyang drug test na kanya naming ipinasa sa Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police.
Comments