ni Angela Fernando - Trainee @News | November 17, 2023
Kinumpirma ngayong araw ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang magiging paghaharap nila ng presidente ng China na si Xi Jinping sa isang pagpupulong upang talakayin ang tumataas na tensyon ukol sa West Philippine Sea.
Ibinahagi ni Marcos ang kanilang naging pag-uusap ni Vice President Kamala Harris tungkol sa WPS kung saan natalakay ang mga paraan para panatilihin ang kapayapaan sa gitna ng China at 'Pinas.
Aniya, ang nakikita niyang kolektibong misyon ng bansa, Philippine Coast Guard, militar, ng mga mangingisda, at ng lahat ay mapanatili ang kapayapaan at mapababa ang umiinit na mga insidente sa WPS.
Matatandaang patuloy ang agresyon ng China laban sa mga kilos ng PCG at mga mangingisda sa sariling teritoryo ng 'Pinas.
Comments