Marcos admin, wala namang proyektong pinagagawa, saan kaya dinadala ang inuutang?
- BULGAR
- Apr 10
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 10, 2025

MATAPOS MABULGAR NA SI ROQUE ANG PASIMUNO NG PEKENG ‘POLVORON VIDEO’ NI PBBM, ASAHAN NIYANG MALUPIT NA RESBAK SA KANYA NG MARCOS ADMIN -- Sa hearing ng Tri-Committee ng Kamara tungkol sa fake news ay sinabi ng vlogger na si Pebbles Cunanan na si former presidential spokesman Harry Roque raw ang pasimuno sa paggawa ng “polvoron video” na pineke at pinagmukhang si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang taong nasa video na sumisinghot ng cocaine.
Dahil sa ibinulgar na iyan ni Cunanan, asahan na ni Roque ang malupit na resbak na gagawin sa kanya ng Marcos administration, abangan!
XXX
MARCOS ADMIN UTANG NANG UTANG WALA NAMANG PROYEKTONG PINAGAGAWA – Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na nitong nakalipas na buwan ng Pebrero 2025 ay nangutang ang Marcos administration ng P340 billion sa mga financial institution sa mundo.
Saan kaya napupunta ang mga inuutang ng Marcos admin, kasi utang nang utang tapos wala namang naibabalitang proyektong pinagagawa ang gobyerno, tsk!
XXX
MAJORITY NG MGA TRAPO SA SENADO AT KAMARA, TIYAK TUTUTULAN NA IPAGBAWAL ANG POLITICAL DYNASTY -- Pinagkokomento ng Supreme Court (SC) ang Senado at Kamara tungkol sa petisyon ng Kapatiran Partylist at 1Sambayanan na dapat ipagbawal na ang political dynasty sa bansa.
Sa rami ng mga trapo (traditional politicians) sa Senado at Kamara na may mga “Kamag-anak Inc.” sa pulitika, tiyak majority sa kanila tututulan na ipagbawal ang political dynasty sa ‘Pinas, period!
XXX
PAMILYA NINA SENATORS BONG GO, DELA ROSA AT FORMER SENATORS LACSON AT PANGILINAN, HINDI SUWAPANG SA POSISYON KAYA WALA SILANG POLITICAL DYNASTY – Sa mga reeleksyunista sa pagka-senador at sa mga dating senador na muling kumandidato sa eleksyon, sina Sen. Bong Go, Sen. Ronald Dela Rosa, former Sen. Kiko Pangilinan at former Sen. Ping Lacson lang ang walang political dynasty.
Ibig sabihin niyan, na ‘yung mga kapamilya nila ay hindi suwapang sa posisyon, palakpakan naman diyan!
Commenti