top of page
Search

Marcos admin tiyak torete, SC, umaksyon sa blank budget documents sa 2025 GAA

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 6, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAHIL KAY SEN. BONG GO, MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE HINDI NA MAGSISIKSIKAN SA ISANG KAMA SA MGA OSPITAL -- Pasado na sa third and final reading ang panukalang batas ni Sen. Bong Go na lakihan at dagdagan ang mga pasilidad sa mga public hospital sa buong bansa para ang mga pasyente ay hindi na nagsisiksikan sa isang kama.


Puwede naman pala ‘yan, pero ang ibang senador hindi naisip ‘yan, pulos pabida lang ginagawa sa Senado.


Dahil sa panukalang ‘yan ni Sen. Bong Go, magiging komportable na sa pagpapagamot ang mga mahihirap na pasyente, hindi na sila magsisiksikan sa isang kama sa mga pampublikong ospital, palakpakan naman diyan!


XXX


HINDI MAN AMININ SIGURADONG NATORETE ANG MARCOS ADMIN NANG AKSYUNAN NG SC ANG MGA BLANK BUDGET DOCUMENTS SA 2025 GAA -- Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Malacañang, Senado at Kamara na sagutin o magkomento sa petisyon ni senatorial candidate, former Executive Secretary Vic Rodriguez na kumukuwestiyon sa legality ng 2025 General Appropriations Act (GAA), kung saan sa 2025 national budget na nakapaloob dito ay may mga nakatalang blank budget documents.


Hindi man aminin ay siguradong natorete rito ang Marcos administration kasi ang petisyon pala ni Atty. Vic tungkol sa 2025 GAA na may mga nakatalang blank budget documents ay inaksyunan ng SC, period!


XXX


SA CITY JAIL DAPAT IKULONG ANG MGA FAKE NEWS VLOGGERS -- Pinadalhan ng Tri-Committee ng Kamara ng show cause order ang 39 fake news vloggers na umisnab kamakalawa sa House hearing, at kapag inisnab uli nila, tiyak ang kasunod na n’yan ay contempt at huhulihin na ang mga vlogger na ito na nagpapakalat ng fake news sa social media.


Kapag nilabasan na ng arrest order at pinahuhuli nila, sana sa mga city jail sila ikulong para magtanda, maturuan sila ng leksyon at maitanim sa kanilang mga kokote na bad ang mga pinaggagawa nilang pagpapakalat ng fake news sa social media, boom!


XXX


DAPAT MAGTALAGA NA SI PNP CHIEF GEN. MARBIL NG PERMANENTENG PNP SPOKESPERSON NA HAHALILI KAY GEN. FAJARDO PARA MAKAPAG-CONCENTRATE ITO SA TUNGKULIN NIYA SA PNP-REGION 3 -- Bukod sa pagiging regional director ng PNP-Region 3 na nakabase sa Camp Olivas, Pampanga, ay si P/Brig. Gen. Jean Fajardo pa rin pala ang umaaktong spokesperson ng PNP sa Camp Crame sa Quezon City.


Dapat magtalaga na si PNP Chief Gen. Rommel Marbil ng permanenteng spokesperson ng PNP para makapagpokus na si Gen. Fajardo sa kanyang tungkulin bilang PNP-Region 3 Director, lalo’t may mga nagngangalang "Delfin," "Parak," "Jemar," "Paras," "John" at "Jack" na sumisira sa imahe ng Camp Olivas sa pamamagitan ng protection racket sa Central Luzon, period!

Recent Posts

See All

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page