top of page
Search

Marcos admin, magpapataw na ng dagdag-TAX, magbebenta pa ng ari-arian ng ‘Pinas

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 27, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MGA PORK BARREL POLITICIAN, MAY ‘PORK FUNDS’ NA, MAY DAGDAG-SUWELDO PA -- Sa inaprub ng Marcos administration na dagdag-suweldo sa mga taong gobyerno, ay kabilang sa mabibiyayaan ng dagdag-suweldo na ito ay mga pork barrel politician na senador at kongresista.


Ang susuwerte ng mga pork barrel politician sa Marcos admin kasi mantakin n’yo, may mga pork barrel funds na nga sila, may dagdag-sahod pa na magmumula sa mga Pinoy taxpayer, buset!


XXX


MAGPAPATAW NA NG DAGDAG-TAX ANG MARCOS ADMIN, MAGBEBENTA PA NG MGA ARI-ARIAN NG ‘PINAS -- Matapos imungkahi ni Sec. Ralph Recto ang pagpataw ng karagdagang tax sa mamamayan para raw makalikom ng karagdagang pondong pambayad sa mga utang ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institutions sa mundo, iminungkahi rin niyang ibenta ang mga maliliit na ari-arian, kabilang ang mga lupa na pag-aari ng pamahalaan para raw madagdagan ang pondo ng Marcos admin sa mga programa at proyekto ng gobyerno.


Patunay ang mga mungkahing ‘yan ni Sec. Recto na ang Pilipinas ay palubog, kasi kung mahusay ang pamamahala ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa bansa, wala sanang isyung bagong dagdag-tax at walang isyung pagbenta ng mga ari-arian ng ‘Pinas, period!


XXX


ANG TINDI NG MGA BIGTIME OIL PRICE HIKE, BARYA NAMAN ANG OIL PRICE ROLLBACK -- Matapos ang sunud-sunod na bigtime oil price hike ng mga produktong petrolyo ay ibinida ngayon ng Dept. of Energy (DOE) na magpapairal naman sila ng oil price rollback na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P0.55 sa diesel at P0.40 sa kerosene.


Ang kabuuan ng non-stop bigtime oil price hike sa buwan ng Enero 2025 ay umabot na sa halos P5 sa kada litro ng mga produktong petrolyo, at ngayon ay ibinibida pa ng mga “tao” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa DOE ang kakarampot at baryang oil price rollback, mga buset!


XXX


HINDI PAGHADLANG NG MARCOS ADMIN SA PAG-ARESTO NG INTERPOL SA MGA SANGKOT SA EJK, RESBAK KAY EX-P-DUTERTE? -- Sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na kapag naglabas daw ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga sangkot sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa na naganap noong panahon ng Duterte admin, ay hindi raw hahadlangan ng Marcos admin ang isasagawang pag-aresto ng Interpol sa mga akusado sa ICC.


Hindi man aminin ay malinaw na resbak ‘yan ng Marcos admin kay ex-P-Duterte sa patuloy na pag-atake nito kay PBBM, period!



Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page