ni BRT | March 3, 2023
May plano na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano matutulungan ang mga komyuter na maaapektuhan ng malawakang tigil-pasada sa Marso 6 hanggang 12.
Sa press briefing kahapon, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na magde-deploy sila ng mga bus at van para sa libreng sakay, katuwang ang opisina ni Vice President Sara Duterte.
“Nagpapaimbentaryo po tayo ng assets ng mga LGUs (local government units) para po sa possible deployment para i-augment ‘yung public transport, kung sakaling matuloy itong nationwide transport strike,” ani Artes.
Pinag-aaralan din ang pagsuspinde sa number coding scheme sa Metro Manila.
“Magsu-suspend tayo, if ever, ng number coding scheme para ‘yung 20 percent na nababawas sa mga private vehicles,” dagdag nito.
Comments